Chapter 5

3 2 10
                                    

Napataas ang kilay ko no’ng marinig ang sunod-sunod na pagiingay ng cellphone ko, tapos na rin naman ang shoot kaya pinansin ko na ’to

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napataas ang kilay ko no’ng marinig ang sunod-sunod na pagiingay ng cellphone ko, tapos na rin naman ang shoot kaya pinansin ko na ’to.

Napangiti ako ng makita na ang group chat naming magkakaibigan ang nagiingay. Nagbasa ako at muling natuwa noong may schedule silang ibinigay para sa pagkikita-kita namin.

Nagmadali akong pumunta sa lugar na nasabi at nadatnang naghahanda na sila ng pagkain.

“Here, hiwain mo ’to,” ibinigay sa ’kin ni Jaze ang mga kailangan panggisa.

Sa tagal naming hindi nagkita-kita ay pakiramdam ko walang nagbago, parang hindi kami tumanda o nag-iba. Napangiti ako.

“Delikado ka na,” nakita ko si Daniel sa likuran ko no’ng lumingon ako, nagtawanan muna kami bago niya inilapag ang bag at pumasok sa cr para magbihis.

Natapos kaming magluto ng 6PM kumpleto na ang lahat kaya mas napabilis ang pagluluto.

Naupo kami sa lamesa, doon kami kumain habang nagkukwentuhan.

“Jaze...naalala mo si Seah? ’Yong kapatid ni Jax?” Ng marinig ang pangalan ng kapatid ko ay nawala bigla ang antok kong dulot ng pagod. Naka-upo na kami sa sofa at nanonood ng action movie.

“Hoy bakit? Anong nangyari? Paanong nasali sa usapan ang kapatid ko?”

“Dati kasi,” tumawa si Zean kaya hindi naituloy ang pagsasalita. “Nagtapat si Jaze sa amin na gusto niya ’yong kapatid mo,” muli siyang tumawa.

“Ikaw Jaze ha...” pati ako ay inasar siya, simple lang naman kasi si Seah kaya paanong nagustuhan niya ’to? Pero iyong simpleng si Seah kapag inilinya mo kasama ang iba pang simpleng babae ay nangingibabaw, hindi ko alam kung paanong nangyari ’yon. Hindi siya ganoon kadalas lumabas dahil tutok sa pangarap kaya kapag nagdadala ng kaibigan sa bahay ay grabe ang paghahandang ginagawa ni mama.

“Anong nagustuhan mo sa kapatid ko?” Hindi ako istrikto kagaya ng ibang lalaking kapatid kaya nagulat si Jaze sa tanong ko. Napakamot siya sa ulo at nagsimulang mamula ang mga tenga.

“Ikaw sinong nagustuhan mo?” Iniba nila ang topic dahil ramdam at alam nilang hindi na komportable si Jaze.

“I don’t really know how it should feel...so I’m not sure kung may nagustuhan ba ako or nagugustuhan,” natawa ako sa sariling sagot. Sa edad ko ay wala akong alam patungkol sa pagkakagusto.

Binanggit nila ang lahat ng naramdaman nila noong sila ang magkagusto, lalo na si Jaze, alam naming naramdaman niya ang lahat ng ’yon sa kapatid ko kaya kinilig ang karamihan sa amin.

Napatitig na lang ako sa kung saan ng mapagtantong naramdaman ko ang lahat ng ’yon kay Callie sa maikling panahon.

“May nagugustuhan ka?” Nanlaki ang mga mata ni Jaze.

“Akala ko talaga ikaw ’yong tatandang walang asawa sa ’tin eh,” tumawa siya. “Sino ’yang lucky woman na ’yan?” Tumaas-taas ang mga kilay niya.

“Si Callie...’yong...author na gustong-gusto ni Seah makita,” napasabunot ako sa sarili bago ikinwento ang lahat ng nangyari, simula sa book signing, sa pagbabasa ko ng libro niya at noong nagpanggap akong boyfriend niya.

Alas dose na ng gabi, tulog na ang lahat dahil sa pagod, habang ako ay nakaupo malapit sa bintana at iniisip kung paano kong nagustuhan si Callie.

“Hindi nakamamatay ang pagkakagusto, h’wag mo mas’yadong dibdibin.” May tumapik sa balikat ko, nakita ko si Jaze sa likuran ko.

Untold StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon