Chapter 14

3 2 11
                                    

Kahit na inasar ako ni Seah ay napangiti pa rin ako dahil nandito siya para damayan ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kahit na inasar ako ni Seah ay napangiti pa rin ako dahil nandito siya para damayan ako. Kasama ko siyang umiyak at tumawa mula noon pa man at nakakabilib na gano’n pa rin ang turingan namin hanggang ngayon. Parang katawan lang ang lumaki sa amin, hindi kasi nagbago ang turingan namin sa isa’t-isa.

“Natotorpe akong umamin, Seah,” nag-init ang dulo ng mga mata ko sa hindi malamang dahilan nang lumapit si Seah para bigyan ako ng yakap.

“Parang lahat naman ay nagkakaganyan, hindi mo kailangang magmadali, walang kabayo ang humahabol sa’yo kuya. Pero paano kung maunahan ka ng iba? Paano kung may gusto na siyang iba dahil sa tagal mong umamin?” Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa bawa’t tanong na ipinupukol sa akin ng kapatid ko, masyado akong inookupa ng pag-iisip sa sagot. Hindi ko maisatinig ang laman ng utak ko dahil pati ako ay natatakot at nasasaktan na rito naiisip ko pa lang.

“I really don’t think na ‘like’ na lang ‘to, pansin ko yung sakit na nararamdaman mo at sigurado akong hindi na ‘yan dahil sa simpleng pagkakagusto...” kinabahan ako bigla. “You love her na, kuya.” Nanlaki ang mga mata kong napatitig sa kung saan bago bumagsak ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Agad kong pinunasan ‘yon gamit ang kabilang braso ko kung saan hindi nakapulupot ang braso ni Seah.

“Pinipigilan ko ‘to eh...anong nangyari? Pati sarili ko ay hindi na ako pinapakinggan, nakakatakot, panigurado akong sa susunod ay base na sa kung ano ang gagawin ni Callie ang mararamdaman ko.” Ginulo ko ang buhok at napahinga ng malalim. Masyadong nakakapagod ang araw na ito gayong wala namang masyadong ginawa. Nakakadrain talaga ang kapag hindi mo gusto ang nararamdaman mo.

“Pero what if wala pa siyang nagugustuhan? Paano kung naghihintay lang siya ng isang tao na aamin at manliligaw sa kaniya para dagdagan ang kulay ng buhay niya? Paano kung ayaw niya ng writer din? Paano kung ang tipo niya ay iyong mga kagaya mo?” Nakakatakot talaga ang pag-ibig, nagagawa akong bigyan ni Seah ng pag-asa gamit lang ang ilang mga salita.

“Matulog na tayo, goodnight.” Sabi ko bago tumayo at punasan ang mga natirang mga luha. “Sweet dreams, baby Seah!” Nagflying kiss ako bago tuluyang isara ang pinto ng kwarto niya at tahakin ang daan patungo sa kwarto ko.

Hindi na talaga ako nagtataka kung bakit may alam si Seah patungkol sa mga gano’ng bagay dahil nagbabasa siya ng mga romance novel.

Nakakatuwang isipin na sa tahanang ito ay wala talagang mas matanda o mas bata, babae o lalaki, dahil kapag nakita o napansin ka nilang nahihirapan ay magmamadali sila para makatulong, nakakabilib na napalaki kami na maayos ni mama kahit na nag-iisa lang siya.

Nahiga ako at napatitig sa kisame. Narinig ko ang pagtunog ng telepono ko.

Nakita kong isa itong notification galing sa instagram.

“With my photographer.” Caption niya sa isang post na may isang picture lang at pagkain pa ang naro‘n. Hindi na ako nagabalang tignan ang mga comments dahil mababago nanaman nito ang nararamdaman ko.

Nagcheck din ako ng mga messages, unang-una ay ang galing kay Callie.

Thankyou for coming ha? About Caleb, I haven’t introduce him to you in a right way. So he’s Caleb, my older brother, he won’t let me have a dinner with someone, maybe he didn't understand na I am already 29! Sana hindi ka naging uncomfortable kanina! Again, sorry and good night!

Untold StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon