Sobrang naguguluhan at binabagabag na ako sa puntong sinusubukan ko ng matulog pero hindi ako hinayaan ng utak ko.
Wala akong magagawa kung hindi ang itanong ito kay Callie para sa ikakapanatag ng isip ko. Pero paano kung mas daragdarag pa ito? Paano kung sabihin niyang totoo ang sinasabi nila? Ano ang gagawin ko sa nararamdaman ko? Posible bang lunurin ko ang sarili ko sa kaiisip at kapag umahon at nasaktan na ay mawawala na ang nararamdaman ko?
Kung posible ay handa akong gawin ito, handa akong magpakalunod, paulit-ulit na masaktan at isuko ang masarap na pakiramdam na naidudulot niya sa akin.
Pwede palang mapagod ang katawan mo habang patuloy sa pagtatrabaho ang utak mo. Ganito rin ba sila kapag nagkakagusto? O ako lang dahil sikat na babae ang nagustuhan ko? Normal ba maging ganito kabilis na magkagusto sa isang tao?
Hindi ko alam kung papapaanong masasagutan lahat ng mga tanong ko. Sa tagal ng paghihintay ko sa reply ni Callie ay hindi ko na napansin ang oras, kanina bago ako nagtatype ay may kaunting liwanag pa, pero no’ng muli akong napatingin sa bintana ay sobrang dilim na, buwan na lang ang nagsisilbing ilaw ng mga madidilim na kalye at kalsada.
Hindi na ako natutuwa sa sarili ko, hindi ako sanay na ganito ako, naninibago ako, parang hindi ko na kilala ang sarili ko, talagang kakaiba ang naidudulot ni Callie sa akin, hindi ko batid kung maganda ba ito o masama dahil kahit na ano ang maging sagot ay nagsisimula ko na itong magustuhan dahil sa masarap na pakiramdam na naidudulot niya.
Ang gulo, napakagulo.
Hindi ako siguradong mauubos ang mga pangamba ko noong marinig ang tunog ng cellphone ko, nagreply na si Callie.
Napatitig ako doon bago kinuha, salita lang ang babasahin ko at hindi ko maririnig o makikita na lumabas mismo ’yon sa bibig niya pero grabe ang pagtibok ng puso ko.
“No, hindi ko siya boyfriend. Single ako he’s just a friend💛”
Ang emoji sa dulo ng message niya ay pinagdalawang isip ako, nagkaroon na ako ng trust issues. Isa nanamang pagbabago at dahil ulit sa kaniya.
Hindi na ako nagreply, hinayaan kong nakabukas ang cellphone ko sa gilid ng kama.
Napatitig ako sa kung saan, sa puntong ito ay gusto ko na lang maging isang bituin sa kalangitan t’wing gabi, masayang nagliliwanag kahit na isang maliit na tuldok lang.
Kahit naitanong ko na kung may relasyon ba sila ay hindi napanatag ang isip ko, tama nga ako kanina, lalo lang daragdag ito sa dami na ng iniisip ko.
Naisipan kong umupo para linisan ang lens ng camera ko kahit na hindi ito madumi.
Pero nauwi lang ito sa pananaginip ko ng gising na isang araw ay makukuhanan ko ng litrato si Callie na ako lang ang pupwedeng makakita.
Ang dami ko ng pangarap, dumagdag pa si Callie, paano kong aabutin ito ng isa-isa kung siya pa lang ay napakaimposible na?
BINABASA MO ANG
Untold Story
RomanceUnwritten, untold and unknown love story of a writer and a photographer. Jaxsean thought he was crazy, he liked a famous author even though he know he had no chance to be with her. UNTOLD STORY (Short Story) Written by Kyeries [Cover is inspired to...