“How many hours did it take to kill them?” Dinig kong sabi ng kung sino, napalingon ako, hinahanap kung sino ang nag sabi no’n at handa ng tawagan ang mga pulis.
Nakita ko ang isang babae na mayroong hawak ng libro, lumapit ako sa kaniya dahil patuloy siya sa pagbasa ng malakas.
“Hi miss,” kumaway ako noong makalapit. “Ano pong meron? Bakit ang haba ng pila?” Ang tanong ko dapat ay bakit binabasa niya ang nakakatakot na linyang ’yon nang malakas lalo na’t nasa mall siya. Pero mas nangibabaw sa akin ang kuryosidad kung bakit ganoom kahaba ang pila papunta sa book store.
“May book signing po,” ngiti niya, nagpasalamat ako bago pumasok sa book store.
Nasilip ko ang librong nakalagay sa lamesa ng babaeng author na sinabi nila. Sa pagkakarinig ko sa pagbabasa ng babae ay naging interisado ako.
Alam kong hindi lahat ng babaeng manunulat ay romance ang sinusulat, pero kakaiba lang talaga ang pagkabrutal ng pagkakasulat sa libro, sakto namang gano’n ang mga gusto ko.
Dumiretsyo ako sa counter pagkatapos kunin ang libro. “Magpapasign po kayo kay ma’am Callie sir?” Sabi ng babaeng nasa cashier kahit na halatang gano’n ang gagawin ko dahil panay ang pagtingin ko sa babaeng pumipirma, tumango na lang ako dahil ayaw kong maging pilosopo.
“Sir, gusto niyo para hindi ka na pumila ng mahaba ibigay na namin sa ’yo ’yong signed copy namin?” Nagpacute siya. Walang reaksyon ko siyang tinitigan.
“Hindi na po, salamat na lang,” pagkatapos niyang ibalot ang libro ay nag bayad na ako at umalis.
Pumila ako sa dulo, panay ang tingin ng mga babaeng nasa harap ko kaya’t nginingitian ko na lang sila.
Mayro’n pang itinututok ang camera ng kanilang cellphone sa akin kaya nag popose na lang ako at nag kukunwaring nakatingin sa ibang direksyon.
Natatawa ako dahil sa sariling mga kalokohan ko.
Inilapag ko ang libro sa lamesa kung saan pumipirma ’yong author.
“Hi!” Nginitian niya ako bago punitin ang plastic na nakabalot pa sa libro, hindi ko napansing may balot pa pala iyon, agad akong nag sorry.
“No problem, ano name mo?”
“Jaxsean...Jaxsean Garcia,” kumindat siya, “Cool name.”
“I’m Callie...Callie Ellain Farrah, the one who wrote this book...I guess hindi mo pa ’to nababasa?” Napatango akong nahihiya. Inilahad niya ang palad niya kaya nakipagshake hands ako.
“That’s good...by the way, read that carefully, please understand Dallie,” pinagdikit niya ang dalawang palad at nag pacute.
“Okay! Salamat!” Tinititigan ko ang pirma niya habang lumalakad palabas.
Hindi ko maproseso kung gaano kalambot ang mga palad niya at kung paano niya pinirmahan ang libro, it looks clean and elegant!
Sa ibaba ng kaniyang pirma ay nakalagay ang mga salitang ‘mahal kita’ at ‘keep safe!’ siguro ay gano’n ang inilalagay niya sa lahat.
Sa loob ng isang araw ay hindi ako makapaniwalang natapos ko ang nobelang isinulat niya. Gusto ko siyang tanungin kung nasaan ang pangalawang parte ng libro.
Nakakainis, bakit ngayon ko lang natagpuan ang librong ‘yon? Lahat ng ginagawa ng mga lalaking bida ay makatotohanan, nakakatuwa. Nakakamangha na isinulat iyon ng isang babae.
BINABASA MO ANG
Untold Story
RomanceUnwritten, untold and unknown love story of a writer and a photographer. Jaxsean thought he was crazy, he liked a famous author even though he know he had no chance to be with her. UNTOLD STORY (Short Story) Written by Kyeries [Cover is inspired to...