Chapter 15

4 2 5
                                    

Napatingin ako sa kawalan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napatingin ako sa kawalan. Mabilis akong pinanghinaan ng loob dahil nakita kong may kasama siyang iba na kuya niya pala.

Kahit na nagulat ay mayro’ng tila umalon sa puso ko, iyong naglinis ng lahat ng hate na pumasok do’n ay inalis niya.

Hindi ko na gustong sabihin pa ‘to kay Seah dahil alam kong tulog na siya at hindi ko siya gustong maabala. Humugot ako ng malalim na hininga at matunog na pinakawalan ito.

Inilapag ko ang cellphone sa side table at madiing pumikit, umaasang aantukin kahit na nagising na ako sa katotohanang may pag-asa ako sa kaniya.

Ilang minuto pang nagtalo ang isip ko bago ko muling kinuha ang cellphone at binasang muli ang message ni Callie, tuwang-tuwa sa paulit-ulit na saya na naidudulot nito. Para akong timang na ngingiti matapos kiligin dahil sa isang mensahe na hindi ko man lang narinig.

Naligo ako, at kahit doon ay ramdam ko ang kusang pagkurba ng labi ko, nakakatakot palang magmahal, parang nasa ulap ka sa tuwa at parang mababaliw ka naman kapag nasaktan.

Tinarayan ko ang sarili sa salamin dahil pinipigilan ko ang papalaki kong ngiti.

Muli ay nahiga ako, parang bumalik lahat ng lakas ko na nawala kanina.

Napagdesisyonan kong tanggalin na ang atensyon ko do’n sa mensahe ni Callie at magscroll na lang sa kung saan.

Bumungad sa akin ang isang poster para sa book signing. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pangalan ni Callie. Hindi naman ako naglike ng mga pages patungkol sa kahit na sinong author pero kusang lumabas ang post na ‘yon. Kahit saan talaga ay nasusundan ako ng mga anino mo, Callie.

Binabaliw niya ako ng paunti-unti dahil sa saya. Gusto ko tuloy itanong kung pwede niya na ba akong i-admit sa asylum na naro’n sa puso niya.

Natawa ako, hindi na kayang pigilan pa.

Sisiguraduhin kong bukas ay sasabihin kong isasama ko si Seah sa book signing ni Callie dahil alam ko na gusto niyang makita ‘to, lalo pa ngayong alam niyang gusto ko ’to.

Napangiti na lang ako sa kawalan.

Ilang araw pa akong maghihintay para muling makita ko siya.

Iyong bagong ipinaramdam niya sa akin ngayon ay tinakpan ang kawalang pag-asa na naramdaman ko kanina na siya rin ang nagdulot sa akin.

Pati ako ay naguguluhan na sa nararamdaman ko.


Untold StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon