Chapter 11

4 2 6
                                    

Chapter 11

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 11

Matapos makita ang message ni Callie ay inihanda ko na ang mga susuotin ko. Para malaman ang naaayon na kasuotan ay sinubukan kong i-search ito.

Mabilis na lumipas ang mga araw.

Nagmamadali akong naligo at nagbihis. Pumara ako ng taxi at ng makarating na sa tapat ng resto ay iniabot ko na ang bayad.

Pumasok ako, may taong naka-abang na sinubukang tanungin ang pangalan ko pero naunahan na siya ni Callie. Naglakad siya patungo sa direksyon ko at sinabi na siya ang kasama ko.

Elegante ang lahat, mula sa mga taong naro’n, mga kasuotan nila, lugar at mababasa rin sa mga kilos nila na inaasahan ko na.

Mula sa malayo ay pinanghihina ako ng titig no’ng lalaki na nakaupo sa lamesa kung nasaan nanggaling si Callie, siya rin kasi ‘yong dahilan ng pagpupuyat ko sa mga nagdaang araw, isip ako ng isip kung sino ba siya kay Callie. Ngayon ay may pagkakataon na akong alamin kung sino nga siya pero naduduwag ako dahil sa oras na itanong ko ‘yon ay posibleng mawalan ako ng pagasa.

Tinignan ko siya sa mata. Natatakot ako gayong wala naman siya ipinararamdam sa akin na kakaiba, ako lang ang nagpaparamdam no’n sa sarili ko. Napapraning ako dahil sa sariling naiisip, nakakaloko.

Mabagal akong naglakad papunta kung nasaan ang lalaking ‘yon, iniingatan ang bawa’t paghakbang dahil natatakot na magkamali at mapahiya dahil hindi lang kaming tatlo ang tao na naro’n.

Marami ang tao ang nakapalibot sa amin pero hindi nagbibigay ng atensyon, sa aming tatlo lang umiikot ang mundo ko ngayon.

Nakakatakot palang magkagusto dahil lahat ng kilos mo ay parang nakakahiya. Maski nga yata ang paghinga. Binabagalan ko ang paghinga ko dahil baka mapansin ni Callie ang kabang aking nararamdaman. Napaka bagal ng oras kapag may iba kaming kasama, pero tila napaka bilis kapag kaming dalawa ang magkasama, bakit gano’n? Ang ibig sabihin yata nito’y kailangan kong palaging sulitin ang oras kapag si Callie ang kasama ko.

Hindi ko inalis ang paningin sa lalaking ‘yon. Ano’t parang ang haba ng nilalakaran ko?

Kaharap ko si Callie at katabi niya ‘yong lalaki, hindi ko alam kung matutuwa ba akong kaharap ko siya sa mesa o hindi dahil may katabi siyang hindi ko kilalang lalaki.

Kahit na gusto ko si Callie ay nakakapagtaka pa rin ang pagiging matanong ko, para kasing hindi ko na siya binibigyan ng privacy dahil sa sobrang pagka-curios ko kahit na hindi ko naman ‘yon sinasabi sa kaniya.

Nakakahiyang magtanong o magsalita man lang kaya nanatili na lang akong tahimik at nagpapalipat-lipat ang paningin sa mga taong dumarating.

Hindi ko matukoy kung bakit ako nagmamasid upang tignan kung paano silang magsimula ng usapan.

Ang paligid ay hindi gano’n kaingay kahit na bawa’t mesa ay mayro’ng nagsasalita, kami nga lang yata ang mesa na mayro’ng nakakabinging katahimikan, kung kami lang siguro ang narito ay sigurado akong pati paghinga ng isa’t-isa ay maririnig namin.

Nabasag lang ito nang mapansing may papalapit sa amin habang nakangiti, isa siguro sa mga crew dahil may dala siyang pagkain. Nag-order na si Callie kanina habang wala pa ako. Alam ba nila na hindi ako makakain dahil sa sobrang kaba?

Untold StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon