Chapter 8

3 2 4
                                    

Pinapunta nila ako sa office, para raw sa isang meeting sa bagong product na ilalabas nila, ako ulit ang kinuhang photographer, gano’n na lang talaga kalaki ang tiwalang ibinigay nila sa akin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pinapunta nila ako sa office, para raw sa isang meeting sa bagong product na ilalabas nila, ako ulit ang kinuhang photographer, gano’n na lang talaga kalaki ang tiwalang ibinigay nila sa akin.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nagsimula na nga ang meeting, maayos lang akong nakaupo habang nakatingin sa presentation na ginawa ng bawa’t isa.

Magaganda naman ang mga model na nabanggit nila, pero tila hindi sang-ayon ang karamihan doon.

“What do you think?” Tanong ng isa pinakamataas na tao na naroon.

Napa-ayos ako ng upo at tumitig sa kaniya, “I think they aren’t the best fit for this because they look...” nagalangan ako “so fierce, and we don’t need someone who’s fierce, we need someone who look soft and gentle, but they are beautiful naman.” Alanganin akong ngumit bago tinignan siya sa mata, hindi sigurado kung may maayos ko bang nasabi ang punto ko, o kung may punto nga ba.

Sa oras na ‘yon ay kinabahan ako ng matindi dahil sa mga tingin nila, hindi iyon ‘yong mga nanghuhusgang tingin pero ganito ang nararamdaman ko, nakakaloko.

“Sir, I agree to him, since pastel color and themed ’yong magiging photoshoot, we want someone na bumagay sa vibe na ’yon, soft and gentle, like what he said.” Dagdag ng isa, nakahinga ako ng maluwag dahil nabawasan ang aking kaba.

Kaagad kong naisip si Callie, gano’n kasi siya para sa akin, soft and gentle, isama pa natin ang mukha niyang mala anghel mula sa langit. Napakagat ako sa pangibabang labi ko para pigilan ang namumuong ngiti bago pa nila ako mapansin.

“Mr. Garcia, do you have someone in mind?”

“Callie Ellain Farrah,” kusa kong nasabi ang pangalan niya pero wala akong pagsisisi dahil siya naman talaga ang gusto kong model sa una pa lang.

“Oh...Calynn Farrah’s sister,” nangunot ang noo ko, bakit alam nila na may kapatid si Callie?

“We’ll look into it, let’s finish it here.” Nagsitayuan sila at pinaunang lumabas ang taong may pinakamataas na posisyon.

Ginaya ko lang sila no’ng lumabas na sila.

Muli ay hindi na nawala si Callie sa isip ko, ramdam kong umaasa akong siya ang kukunin nila.

Panay na ang pagi-imagine ko ng mga posibleng kalabasan ng picture ni Callie na ako ang kumuha. Kahit na gusto kong tanggalin siya sa utak ko ay hindi ko magawa dahil patuloy sa pag-alala sa kaniya ang puso ko, magkalaban pero pagdating sa pakiramdam na naibibigay ni Callie ay magkasundo ang dalawa, nakakaloko.

Callie may orasyon o dasal ka bang ginawa para ganituhin ako? Para buong araw kitang isipin? Para magkaroon ako ng nararamdaman sa maikling panahon na ’yon?

Untold StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon