Chapter 4

5 2 14
                                    

Chapter 4

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 4

Hindi ko malaman ang gagawin ko no’ng makita ang message ni Callie kinabukasan.

Nagpaikot-ikot ako sa loob ng kwarto bago muling umupo at tignan ito. Patuloy pa din akong pinakakaba ng picture naming dalawa, hindi nawala ‘yon simula kagabi.

Inalis ko muna ‘yon sa utak ko at pumasok na sa trabaho. Half day lang nila akong kailangan do’n kaya kaagad din akong nakauwi.

Pumasok ang ideyang magpunta ako sa bahay nila mama para mawaglit kahit saglit ang bagay na ‘yon sa utak ko.

Napakabilis ng byahe, hindi ko alam kung ilang minuto akong nakaupo sa jeep bago makarating sa bahay dahil sa kawalan ng traffic.

Pero kahit nasa ibang lugar ako ay hindi ko maialis sa isipan ang post na ‘yon at ang message ni Callie na hindi ko pa nababasa.

Hindi ko ‘yon binasa sa kadahilanang masyado akong kinakabahan, napakapangit na dahilan para paghintayin ko siya ng gano’n katagal, pero naghihintay nga ba siya sa reply ko o hindi?

Masyado akong nagooverthink na hindi ko namalayang hindi ko na pala ginagalaw ang pagkain ko, napagtanto ko lang ‘yon ng sawayin ako ni mama. Nginitian ko lang siya bago sumubo. Noong tinanong niya kung ano ang iniisip ko ay umiling lang ako.

Hindi ko gustong malaman nilang nakasama ko ang isang sikat na tao at sumikat ang pagpapanggap naming dalawa, masyado nila akong kilala na pati likod ko ay sigurado akong makikilala nila. Ayaw ko ding magalala silang dalawa para sa’kin dahil masyado kong kabisado kung papaano sila magalala.

Ayaw kong hindi sila makakain at makatulog ng maayos dahil sa pagiisip sa akin.

Masyado na yata akong nagiisip na nagoover react na ako. Hindi naman siguro malalaman ng mga tao na ako ang nasa larawang ‘yon, napabuga ako ng hangin.

Masyado akong binabagabag ng sitwasyong ‘to, pero hindi ko magawang isisi ‘yon kay Callie dahil kinakailangan niya ng tulong no’ng araw na ‘yon.

Bigla ay may kumatok sa pinto, hindi na ako sumagot dahil alam kong basta-basta na lang papasok si Seah.

“Kuya, alam mo yung issue ni ate Callie?” Excited niyang tanong. Umupo ako at doon nakangiting tumango.

“Bakit? Anong nangyayari?” Nagkunwari akong hindi ko alam.

Iniharap niya sa akin ang cellphone niya at ipinakita ang post na nabasa ko kagabi pa. Nagkunwari akong binabasa ang mga salita kahit na kabisado ko na ‘yon dahil sa pabalik-balik na pagtingin ko doon kagabi.

“Sino ‘yong lalaki?” Ngumiti ako. “Boyfriend niya ba ‘yan? I’m happy for her.”

“Hindi...wala pang sinasabi si Ms. C, pero bagay sila, mukhang gwapo din yung kasama niya,” mahina siyang tumili para hindi marinig ni mama. May kung anong nagdulot sa akin ng kilig noong sabihin niyang bagay sila ng lalaki doon sa litrato.

“Sige bye na kuya, uuwi ka na ‘di ba? 5:00 PM na, hahanapin lang namin kung sino yung lalaki,” itinaas-taas niya ang mga kilay bago isinara ang pinto.

Doon ko lang napagtanto ang oras kaya nagpaalam na ako bago umalis at bumalik sa bahay ko.

Habang nakahiga ay napagdesisyonan ko ng basahin ang message ni Callie. Napakagat ako ng pang-ibabang labi.

3 ng umaga niya sinend ang message na ‘yon, nageffort pa yata siyang gumising para makapag message siya sa akin tapos hindi ko pinansin ang message na ‘yon. Binalot ako ng hiya.

Nagtataka pa din ako kung papaano niyang nalaman ang instagram ko kahit na pangalan ko lang ang alam niya. Pero alam kong sikat si Callie kaya sigurado akong marami siyang kakilala na posibleng kilala ako o si Seah.

Callieel
Apr 22, 3:25 AM

Hi Jaxsean!

*FB Post*

Nakita ko kasi ’yung post na ’to, does it bother you ba?

If yes, sorry ha?

Thank you pala sa pagtulong sa akin makauwi, promise kapag nagkita ulit tayo, babawi ako sayo

Sorry din sa abala kahapon💛

Maayos naman akong nakauwi, thank you ulit sayo!

Basahin mo na lang ‘tong message ko kapag may time ka, sorry sa istorbo! Sana h’wag mo masyadong isipin yung post.

Agad din naman akong nagreply bago matulog at muling magover think.

Apr 22, 8:32 PM

Hello Callie!

Hindi ko naman masyadong iniisip yung post, mas nagaalala ako sayo

Thank god nakauwi ka nakaraan ng maayos!

Untold StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon