Chapter 12

3 2 5
                                    

“Caleb, this is Jaxsean, my photographer,” itinuro niya ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“Caleb, this is Jaxsean, my photographer,” itinuro niya ako. Ngumiti lang ako kay Caleb na siya ring ibinalik niya.

Napakagwapo, kung hindi lang ako straight ay sigurado akong siya ang magugustuhan ko. Nakakatawang kaya ko pang isipin ang gano’n gayong itinuturing ko siyang posibleng hangganan at simula ng lahat namin ni Callie.

Ang dinner ay nababalot ng katahimikan, nakagawa man ng ingay ay dahil lang sa mga gamit naming utensils. Siguro’y nawiwirdohan din ang mga nakakakita sa amin dahil kami lang ang hindi nag-uusap o nagsasalita lamang.

Awkward ang lahat, ang inaasahan kong magiging masaya at maayos naming dinner ni Callie ay nauwi lang sa katahimikan, para akong may kasabay na hangin sa pagkain.

Hindi rin nagaabot ang mga tingin namin, pinipigilan kong magbuga ng hangin dahil pati iyon ay nahihiya akong gawin. Aaminin kong hindi ako gano’n kakomportable kay Callie ngayon dahil sa ganda niya, pero dumagdag dito si Caleb.

Kakaiba talaga si Callie, iba’t-ibang ganda ang ipinapakita niya sa t’wing magkikita kami. Ang layo na ng level ng pagkakagusto ko kay Callie kung ang pagbabasehan ay ang mga nabanggit nila Jaze na naramdaman nila noon.

Nakaraan ay nakapagdesisyon ako na sa gabing ito ay aamin na ako. Aamin na akong gusto ko siya kahit na hindi ko alam kung ano ang relasyon ni Caleb sa kaniya. Kung sabihin niya mang hindi niya ako gusto ay ayos lang, atleast ay nasabi ko, hindi na ako naduwag. Pero hindi ako sinusunod ng katawan ko, umuurong ang dila ko at naduduwag ako dahil sa lalaking katabi niya.

Naiinsicure ako, natatakot, naduduwag at nawawalan ng pag-asa. Sa panglabas na anyo pa lang ay wala na akong laban, paano pa kaya sa iba? Ipagtapat nga lang kami sa isa’t isa ay talo na ako panigurado.

Masarap ang pagkain pero walang nagabalang magbukas ng kanilang mga bibig para purihin ito, napakawirdo.

Natapos na ang wirdong dinner na ‘yon. Nadrain lahat ng energy ko kakaisip, posible pala iyon? Naging posible siguro dahil kay Callie.

Wala akong maramdaman, hindi ako masaya o malungkot, hindi rin ako pagod. Nagpaderetsyo ako sa bahay namin dahil alam kong sila lang ang makaka-ayos sa ’kin. Ako ang kuya pero ano’t kay Seah ako magkukwento ng nararamdaman ko?

Ang gulo, napakagulo. Puno ng tanong ang isip ko pero wala akong maramdamang kahit na ano.

Nakatingin lang ako sa bintana ng taxi, pinagmamasdan ang mga ilaw na nanggagaling sa mga punong fastfood chain, sigurado akong maingay do’n...ingay na ginusto kong marinig mula sa aming tatlo kanina pero maski ako ay hindi nagabalang gumawa ng paguusapan.

Ginulo ko ang buhok ko. Gulong-gulo na ako. Ang pagsasabi ko ng nararamdaman sa isang tao ay naudlot kaya heto ako ngayon at sinasarili nanaman ’to.

Untold StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon