Binitawan niya lang ang kamay ko ng marinig niya ang ring ng cellphone ko. Sumenyas ako sa kaniya na kailangan kong sagutin iyon at sumenyas din siya na sagutin ko na ‘yon.
Habang naglalakad ay panay ang pagsulyap ko sa kaniya, ngiti niya ang natatanggap ko sa bawa’t paglingon.
Sinabi kong kailangan na naming bumalik dahil magsisimula na ang shoot.
Lahat ng atesyon ay nasa amin ng makapasok kami kaya lumayo muna ako ng kaunti kay Callie at pinauna siyang maglakad.
Habang inaayusan siya ay nagpunta ako sa restroom. Habang naghuhugas ng kamay ay pumasok sa isip ko ang nangyari kanina. Bakit niya hinawakan ang kamay ko? Napasulyap ako sa sariling reflection at napansing namumula ang tenga ko.
No’ng makabalik ay napatitig ako agad sa kaniya, sigurado akong magsisimula na ang shoot anong minuto kaya inayos ko na rin ang mga kailangan kong gawin. Paulit-ulit ang pagnanakaw ko ng tingin kay Callie.
Nagsimula na nga ang shoot at parang sa mga oras na ‘to ay sa kaniya lang umiikot ang mundo. Wala akong naging paborito sa mga kinuha kong litrato dahil ang lahat ng ‘yon ay maganda dahil siya ang nasa sentro, kahit na anong anggulo ko siya kunan ay walang pangit, walang sayang.
Ang ganda niya, napakaganda.
Matapos ang lahat ay oras na para umuwi. Pinauna na naming umuwi si Callie kanina pero hindi niya ginawa, mas pinili niyang magligpit din at sumabay sa oras ng uwi namin.
“Thank you for this, Jaxsean.”
“Jax na lang,” nginitian ko siya.
“Gusto ko talagang suklian lahat ng ginawa mo, sa sunday let’s have a dinner, okay lang?” Tanong niya, nabigla ako pero agad ding tumango.
“Hahanap lang ako ng location and ime-message na lang kita.” Nginitian ko siya.
“Hey Callie,” may tumawag sa kaniya mula sa pinto.
“Nandiyan na ang sundo ko,” ngiti niya bago naglakad papunta sa direksyon ng lalaking tumawag sa kaniya.
Umuwi na rin ako dahil si Callie lang naman ang dahilan ng pananatili ko.
Kumain ako at naligo bago humiga sa kama. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod.
Namaluktot ako sa kama ng maalala ulit ang lalaki kanina na nagsundo kay Callie.
Hindi ako sigurado kung sino siya para kay Callie pero may ipinararamdam siya sa akin na hindi ko matukoy. Nagkasalubong lang kami ng tingin pero gano’n na ang naramdaman ko paano pa kaya kapag nalaman ko na kung sino siya?
Hindi ko gustong itanong kay Callie dahil magmumukha at magtutunog akong weird.
Iba ang lalaking iyon sa nakita ko sa post sa social media na pinaghihinalaan nilang boyfriend niya, pero paano kung siya nga talaga ang boyfriend ni Callie?
Wala na ba akong laban? O tapos na ang laban hindi pa ako nagsisimula?
BINABASA MO ANG
Untold Story
RomanceUnwritten, untold and unknown love story of a writer and a photographer. Jaxsean thought he was crazy, he liked a famous author even though he know he had no chance to be with her. UNTOLD STORY (Short Story) Written by Kyeries [Cover is inspired to...