Chapter 19

3 2 4
                                    

Maaga akong nagising para sa araw na ’to at nagpunta sa office kung saan ko iniwan ang file ng mga larawan ni Callie

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Maaga akong nagising para sa araw na ’to at nagpunta sa office kung saan ko iniwan ang file ng mga larawan ni Callie.

Kailangan ko ang card para makopya ang mga laman no’n at mabigyan ng kopya ang sarili ko. Gusto kong magkaro’n ng mga picture ni Callie na ako lang ang mayro’n, iyong wala sa internet o sa mga posts niya.

Mabilis ko lang nakuha ang gusto ko nang makarating ako sa office, nakahanda na kasi ’yon hindi pa man ako dumarating.

“Who can deliver this to Ms. Callie? She’s expecting this kasi...” ani ng kung sino. Hindi gano’n kalakasan ang boses niya pero nagpantig ang tenga ko nang marinig ang pangalan ni Callie. May sariling isip ang paa ko nang humarap ulit ako.

“S-sa mga nagdedeliver d’yan? ’Yong sa mga riders,” tinignan ko siya at nginitian no’ng bigla ay sumimangot siya.

Alam ko sa sarili ko na gusto kong ako ang magdeliver no’n sa bahay niya kahit na mataas ang posibilidad na ibang tao ang kumuha no’n mula sa kamay ko.

“They don’t want na ipagkatiwala ’to sa iba.” Itinaas niya ang isang box. Siguro ay package ’yon galing sa kompanya.

“Why? Gusto mo bang ikaw na lang, Jaxsean?” Hindi ako nakasagot at napakagat na lang sa pang-ibabang labi. Hindi na ako nagtaka nang bigkasin niya ang pangalan ko.

“We’ll pay you naman and someone is willing to let you borrow a motorcycle and a helmet.” Ngumiti siya. Napangiti pa ako lalo bago naglakad papalapit sa kaniya. “Sige, mukhang busy naman ang lahat...and may sahod naman...” idiniin ko ang panghuling mga salita dahil baka kung ano ang isipin nila, baka mahulaan nila kung ano ang nararamdaman ko para kay Callie.

Hindi ako sigurado kung napaniwala ko ba sila na iyong sahod ang gusto ko dahil may narinig akong mahihinang mga tili at ubo. Nakakatawa.

Ilang saglit pa ay ibinigay na nila sa akin ang lahat, ‘yong package, susi ng motor na gagamitin ko at ang helmet.

Nakangiti akong lumabas, umiling ako nang marinig ang mga tili nila no’ng sumakay ako ng elevator. Matagal-tagal din nilang kinimkim ang kilig. Kinikilig din ako ngunit ayaw kong ipakita ito, masiyado akong nahihiya dahil hindi ko naman matagal na kakilala ang mga taong naro’n.

Tuloy ay naisip kong dahilan lang nila ang lahat para ako ang magbigay ng package kay Callie dahil alam nilang may pagtingin ako rito.

Ibinigay nila ang address ng isang building. Sa isang condo unit nakatira si Callie. Lumapit ako sa taong naro’n sa front desk.

Sinabi kong mayro’ng package na para kay Callie Ellain Farrah.

“P’wede ko po bang iwan na lang ‘to dito?” Tanong ko. Naghahalo ang hiya at kabang nararamdaman ko, nanlalamig na rin ang mga kamay ko.

“S-sig—” naputol ang sasabihin niya nang makarinig kami ng sunod-sunod na tunog ng notification galing sa cellphone ng kung sino, napakalakas kasi nito.

Sabay kaming napalingon. Nakita namin si Callie na papalabas galing sa elevator. Nagtataka akong tumingin sa babaeng nasa harap ko.

“Ayan na pala si ma’am Callie,” nginitian niya ako.

Naglibot ng tingin si Callie, may hinahanap. Nang dumapo ang mata niya sa front desk ay napangiti siya.

Nakasuot siya ng isang puting spaghetti na silk ang tela at trouser na itim.

“Ang gwapong delivery guy naman nito!” Sabay kaming natawa.

“Package mo,” kinuha ko ang box na para sa kaniya. Bakas ang saya sa mukha niya nang maramdaman niya ang mga naka-embossed na design do’n.

“Ang ganda!” Mahinang tili niya. Ikaw din Callie, maganda, napakaganda.

“Do you wanna eat?” Napatingin ako sa kaniya nang sabihin niya ‘yon.

“Can I take you out?” Biglang tanong ko, sinserong nakatingin nang diretsyo sa mga mata niya.

“Okay lang ba ‘tong suot ko?” Itinuro niya ang kabuuan.

“U-uhm...we‘re not gonna go to any fancy places...that should be fine. You look gorgeous naman eh,” nahihiyang sabi ko. Nag-init ang buong mukha niya.







Untold StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon