Unwritten, untold and unknown love story of a writer and a photographer.
Jaxsean thought he was crazy, he liked a famous author even though he know he had no chance to be with her.
UNTOLD STORY (Short Story)
Written by Kyeries
[Cover is inspired to...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Hindi gano’n karami ang nangyari sa book signing, o lutang lang talaga ako buong araw dahil sa pag-iisip sa kanilang dalawa? Wala eh, masiyado akong nag-aalala sa punto na kaya ko ng saktan ang sarili ko makita lang na ngumiti si Callie.
Niyaya ko na si Seah umuwi dahil tapos na ang event at pakiramdam ko ay nagkaroon lang ako ng panibagong isipin. “Gusto man kitang igala ay hindi p’wede, mag-isa lang si mama sa bahay at nagluto na rin siya ng pagkain.” Ngumiti siya bago ako sinabayan sa paglalakad.
“Ma, nandito na po kami,” hinubad ko ang mga sapatos ko at ipinagpag ‘yon. Hawak ang mga sapatos ay dumiretsyo ako sa kwarto dahil hindi ko nakita si mama. Inilagay ko ‘yon sa shoe rack na naro’n sa gilid ng kwarto ko. Mabilis aking nagbihis.
Pinuntahan ko si mama sa kwarto niya nang matapos ako, wala siya doon kaya bumaba ulit ako.
Naghahanda na sila ni Seah ng mga pinggan na pagkakainan namin, waka sa sariling napangiti ako.
Menudo ang inihanda ni mama, sigurado siya na masasarapan kami do’n kaya dinamihan niya ang pagsasaing ng kanin. Walang kasing sarap ang luto niya, kahit saan yata akong restaurant na magpunta ay wala akong mahahanap na mahihigitan ang luto ng ina ko.
“Nakita mo ba ang crush mo?” Bigla ay tanong ni mama matapos naming kumain, wala na si Seah dahil may tatapusin pa siya assignment.
Alam kong hindi si Seah ang nagsabi no’n kay mama dahil nangako si Seah na mananatili ang sikretong ‘yon sa pagitan naming dalawa lang.
Masiyado ba akong masaya at excited no’ng umalis kami para mabilis niyang makuha na crush ko si Callie na idolong manunulat ng kapatid ko?
Napatitig ako kay mama bago bumalik sa upuan ko, isinandal ko ang likod ko sa upuan at malungkot na ngumiti kay mama.
“Tinutukso siya sa iba ng mga fans niya, ma, ang malala ay...nando’n din ang lalaking ‘yon kanina. Writer din siya,” Hindi ko kayang tignan ang mga mata ni mama dahil sa hiya. Ngayon lang ako nagkwento ng ganito at natuklasan niya lang ang nararamdaman ko dahil sa pagbibigay ng atensyon sa akin.
“Ma...he’s better than me,” nagawa kong pigilan ang luha kong nais ng tumakas.
Nangalumbaba si mama, binigyan niya ako ng isang ngiti na sapat na para malaman kong nariyan lang siya palagi sa akin tabi. Ngayon ay hindi ko na napigilan ang nararamdaman, I’m such a cry baby!
Niyakap ako ni mama. “Inlove na ang panganay ko,” aniya. Ipinatong niya ang ulo niya sa ulo ko dahil nakatayo siya at naka-upo naman ako.
“Ang sarap sa pakiramdam ang magmahal mama, pero ang kapalit ng saglit at kakarampot na sayang ‘yon ay ang mga luhang hindi mapigilan mula sa pagtulo at sakit na mapapalitan man ay hindi mo na makakalimutan,” niyakap ako lalo ni mama.
Itinago ko ang mukha ko, nahihiya akong makita ni mama ng ganito.
Nang kumalas siya sa pagkakayakap namin ay mabilis kong pinunasan ang luha ko gamit ang likod ng palad.
“Ang iyakin kong anak,” natawa siya bago tinitigan ng mabusisi ang mukha ko.
“You’ve grown so much, Jaxsean ko. Dati ay natutulog ko lang sa bisig ko, ngayon ay inlove ka na.” Naging emosyonal siya.
“Umamin ka na kaya, hindi ’yong iiyak-iyak ka diyan dahil lang nagseselos ka,” pabiro siya nagtaray. Natawa ako.