Chapter 3

1.8K 113 22
                                    

Chapter 3

Kiannah's P.O.V



"Mag iingat ka anak ha?" Naluluhang saad ni nanay. Kanina pa kami dito nag iiyakan. Sadyang ang bababaw talaga ng mga luha namin.

Alas kuwatro palang ng madaling araw ngunit andito na kami sa pantalan. Inihatid nila ako dito para sumakay ng barko paluwas ng maynila.

"Opo nay," sabi ko

"Mag iingat din kayo dito nila tatay."

"Tsaka Rey, Yenyen, wag kayong pasaway sa nanay at tatay, pag nalaman ko ay naku-naku kukutongan ko kayong dalawa!" Baling ko sa dalawa.

"Opo ate," sabi nila.

Minarapat nila na kontakin ko ang totoo kong mga magulang at kaibigan sa maynila ngunit tumanggi ako at sinabing gusto ko silang surpresahin sa pagdating ko.

"Mamimiss ka namin anak," sabi ni nanay.

"Mamimiss ko din kayo nay," hindi ko mapigilan ang maluha. Si tatay ay tahimik lang sa tabi ngunit alam ko na nalulungkot din ito sa pag alis ko.

Nilapitan ko ito at niyakap. "Tay, may problema ba? Ba't wala kayong imik d'yan?" Tanong ko.

"Wala naman anak, medyo nalalungkot lang ako dahil aalis kana para bumalik sa totoo mong mga magulang. Parang kailan lang ay nakita lang kita sa may dalampasigan na walang malay..." malungkot ang boses na sabi nito.

"Tay... huwag ho kayong malungkot, babalik pa ho ako dito. Or pag maging maayos na ang lahat ay kukunin ko kayo para magbakasyon sa maynila." Sabi ko.

Isang malungkot lang na ngiti ang tanging sagot nito.

"Hooonnnkkkkk... hooonkkk" (A/N: tunog po yan ng barko😆)

Dinig kong pagbusina ng barko, senyales na aalis na ito.

"Oh, siya aalis na ho ako nay, tay at baka maiwanan pa ako ng barko. May kasal pa akong dapat na pigilan." Sabi ko.

"Ang taray naman ate, parang yong mga nangyayari lang sa tv ang eksena." Sabi ni yenyen.

"Oo nga, saktong sa araw pa talaga ng kasal bumalik ang lala mo para kang kontrabida sa pelikula." Pag sang ayon ni Rey.

"Tsaka ate, pagkarating mo ng simbahan sumigaw ka ng "Itigil ang kasal madapaker" yung gano'n para may dating." Natatawang binatukan ko ito.

"Gaga, itang kalokohan mo talaga Rey, naku ka!" sabi sabay irap dito.

"Ate wag kanang sasakay ng auto ha?" Paalala ni yenyen.

"Ay naku, hindi ko masabi na never na akong sasakay sa kotse. Kahit lubhang natrauma ang kepyas ko sa aksidente, ay kelangan ko parin sumakay dahil part iyon ng transportation kaya no choice tayo."

"Anak, sumakay kana at baka maiwan kapa ng barkong sasakyan mo." Basag ni tatay.

"Sige nay, tay ito na talaga! Mag si-sailor moon na talaga ang napakagandang anak n'yo." Sabi ko at sa huling pagkakataon ay nagyakapan kaming lahat.

"Go ate! Fight for you love!"

Nakangiting kumaway ako sa kanila habang pasakay ako ng barko. Pinipigilan ko lang ang maluha.

"Hooonnnkkkkk... hooonkkk" huling busina ng barko bago ko naramdaman ang unti-unting pag alis ng barko.

Maga agam-agam na paano kong totoong nagmamahalan silang dalawa ng babaeng nakatakdang ikasal sa kanya? Paano kung pinagpalit na niya ako? Paano kung kinal8mutan na niya ako? Paano na ako? Magiging matandang dalaga nalang ako nito ng hindi manlang nakakatikim ulit ng dilig? I kennat! Babawiin ko ang asawa ko kahit na sinong ponshopilato paman 'yan. Hindi ko hahayaan na mauwi nalang sa 'salamat nalang sa lahat' ang lahat, no way!

My Husband Returned?! [MPREG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon