Chapter 14
Third Person's P.O.V
"So what's your plan?" Tanong ng tao sa harapan ng isang babae. Pareho itong naka upo sa harap ng lamesita na gawa sa salamin. Naka de kwarto pa ang mga ito.
Hindi muna nagsalita ang babae sa halip ay inabot nito ang wine glass na nasa lamesita at dinala ito sa kanyang mga labi para inumin ang alak na laman nito.
"I don't know Donita. Basta ang gusto ko ay magantihan siya!" Gigil na sabi nito.
"Can you help me? Gantihan natin ang baklang yun!" Dugtong pa nito.
"Bruhang 'to. Baka mapahamak tayo n'yan? Ano naman ang gagawin natin?" Tanong naman ng bading nitong kaibigan. Tiim lang itong naka upo habang nakikinig sa sinasabi ng babae.
"Tsaka kahit anong gawin mo kung talagang mahal na mahal ni Mr. Pogi si bakla eh, wala ka nang magagawa don." Ani nito dahilan para magsalubong ang kilay ng babae dahil sa inis.
May pagkamaarte din ito halata ito mula palang sa mahahabang kuko nito na kulay pula, pulang mga labi at makapal na eyebrows at eye liner. Naka sout ito ng sando na hapit sa maskulado nitong katawan at may sout din itong napaka ikli na pambabaeng shorts.
Si Donita lang ang kaisa-isang tao na pinagkakatiwalaan ni Sophie. Ito lang din ang kaisa-isang tao na masasabi niyang isang tunay na kaibigan dahil lagi niya itong nalalapitan. Tuwing kailangan niya ng tulong.
"Edi gumawa ka ng paraan! Mag isip ka kung paano natin magagantihan yun!" Irita at medyo may kalakasan ng sabi nito.
"Eh kung takutin mo kaya?" Suhestiyon nito.
"Ginawa ko na iyan but it's not working. Parang wala lang sa kanya. Matapang ang isang yun." Sagot naman ni Sophie. Halatang irita ito dahil kahit anong gawin niya ay hindi natitinag si Kiannah.
"Ay ganon?" Tanong nito.
"Yeah kaya help me think another ways to get rid of that Kiannah. Please Donita?" Sabi ni Sophie.
"Wait lang gurl nag iisip ako kung anong pwede mong gawin..." anito nito at sandaling tumahimik para mag isip.
"What if I kill him?" Biglang sabi ni Sophie.
"Hoy! Wag ganon. Masisira ang buhay mo girl. Masisira ang pangalan mo at ng parents mo and also your career at mas lalong hindi mapapasaiyo si Mr. Pogi. Marami ang mawawala saiyo pag ginawa mo yan." Sagot naman ni Donita.
Napabuntong hininga naman si Sophie dahil dito. May point si Donita. Mas lalo tulay siyang nawalan ng ideya kung paano niya maaagaw si Tristan mula kay Kiannah.
"May naisip na ako girl" sabi ni Donita kaya nabuhayan naman ng loob si Sophie.
"What?" Takang tanong naman nito.
"Kung siraan mo kaya iyang si Kiannah? Why don't you try to ruin Tristan's trust on him?" Sabi nito.
Napakunot naman ang noo ni Sophie sa sinabi nito.
"What do you mean?" Naguguluhang tanong nito.
"Gumawa ka ng paraan para paghiwalayin sila. Magbait baitan ka. Kaibiganin mo si Kiannah habang sinisira mo siya ng patalikod. Make Tristan unlove him, by ruining Kiannah's image." Sabi ni Donita. Maigi namang nakikinig si Sophie sa sinasabi nito.
"Make a way para masira mo si Kiannah. Gumawa ka ng paraan para lumayo ang loob ni Trsitan sa kanya. And that way, mapapalapit ang loob ni Trsitan sayo." Malaki ang ngiti nito pagkatapos nitong sabihin ang naisip nitong plano. Para itong kuntrabida sa mga teleserye na napapanood sa telebisyon.
BINABASA MO ANG
My Husband Returned?! [MPREG]
Romance[Warning! BxB/BL /SPG] [COMPLETED|UNEDITED] Formerly "The badass gay's return" "Itigil ang kasal!" Sigaw nito na umalingaw-ngaw sa loob ng simbahan dahilan para mapunta ang lahat ng tingin ng tao sa kanyang direksiyon. "K--Kiannah?" Ang gulat na gu...