Chapter 4

1.8K 111 9
                                    

Dedicated to: Quicke_Ow oh ayan mars, malalaman mo d'yan kung sino ka dahil sa mabato-bato mong katawan at putok na putok mong muscles HAHAHAHA
_______

Chapter 4

Kiannah's P.O.V

"Si--si---sir?" ang nagkakanda utal-utal na sabi ng guard nila Tristan.

"Nasaan kamo mang Berting? My gad!" iritang napairap ako dito. Hindi kasi nito masagot ng maayos ang tanong ko.

Ewan ko ba kung bakit parang takot na takot ito sa akin. Eh ang ganda-ganda ko nga.

"S--sir? M--multo ho ba kayo? H--hindi ba't p--patay na ho kayo?" Utal-utal na turan nito.

Halos umusok na ang ilong ko kakatanong sa bulas na ito pero hindi ako nito masagot ng mabuti dahil sa tila takot na takot ito.

"Ikaw manong Berting huh? Kanina pa ako tanong ng tanong sayo pero hindi ka sumasagot ng maayos? Ano sasagutin mo ba ang tanong ko o bubogbugin kita?" Inis na hinawakan ko ito sa kwelyo.

Kita ko ang pamumutla ng buong mukha nito dahil sa labis na takot.

"Si--sir b--buhay ho ba kayo o m--multo?" Takot na takot na ani nito habang nakatingin sa akin.

"My gawd mang Berting! Ang ganda-ganda ko naman para maging multo. Buhay na buhay ako mang Berting! I'm fucking kicking and alive! Tsaka ang taas ng sikat ng araw oh? Sino bang multo ang lalabas sa ganito kainit na araw? Ang laki-laki n'yo pong bulas pero takot na takot kayo sa multo. Jusqo dai, nakakahiya sa ulo mong kalbo at nagpuputukan mong muscles." Sabi ko at napairap nalang sa inis.

"Pe---pe--pero na--na—patay na ho kayo 'di ba?" Untag nito.

"Buhay ho ako ok? Humihingi pa ho ako, duhhh? Masama ho akong damo at mas sa pusa din po ako kaya hindi ako bastabastang mamatay. Loko 'to buhay ako pero pinapatay n'yo na ako? Tsk tsk" sabi ko.

Kita kong napalunok ito ng maraming beses at kinurap-kurap pa nito ang mga mata nito. Mukhang hindi magtatagal ay mapapaihi na rin ito sa pantalon nito.

"Ano na mang Berting? Dayun? Asan ang ser Tristan mo?! Saang simbahan sila kinakasal ngayon?" Tanong ko.

"Na--nasa Q--quiapo C---church po," sabi nito ay literal na naihi na ito sa pantalon bago ito bumagsak sa sahig at nawalan ng malay.

"Hoy jusqo porsanto! Mang Berting!" Sabi ko at sinubukan pa itong gisingin sa pamamagitan ng pag tapik sa pisnge nito ngunit hindi ito nagising.

Kaya wala na akong choice kundi ang iwanan ito na nakahandusay sa sahig na walang malay.

"Bahala ka na nga d'yan mang Berting, may kailangan pa akong dapat puntahan. Kailangan ko pang pigilan ang kasal ng asawa ko." Yun ang sabi ko at nagmadali na akong umalis.

"Paraaa!!!" Sigaw ko.

Mabuti nalang ay kaagad na akong nakakita ng taxi. Matapos na pumara dito ay agad-agad akong sumakay.

"Sa Quiapo Church manong. Pakibilisan!" Mando ko.

"Ay eneng hindi po pupwede. Bawal kami doon." Sabi ng taxi driver.

"Huh? Bakit? Eh ang lawak-lawak ng simbahan na yun?" Nakakunot noong tanong ko dito.

"Bawal kasi eneng dahil hindi pinapayagan ang mga pampasaherong sasakyan doon, tanging mga piling taga supporta lang ang pwedeng mag abang sa labas ng simbahan. Hindi mo alam? Kasal ngayon ng artistang si Sophie Rivera." Sabi nito.

My Husband Returned?! [MPREG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon