Chapter 12
Kiannah's P.O.V
Nandito kami ngayon sa sala ng mansion habang naka upo sa sofa. Kasama ang dalawa kong kaibigan sa probinsiya na sina Amber
Kagaya nga ng ipinangako ko sa kanila ay pinaluwas ko ito dito sa maynila. Nung isang araw pa sila dumating kasama ang nanay at tatay pati ang dalawang kapatid ko. Sa condo ni Tristan muna sila pansamantalang nananatili habang inaayos pa ang mga gamit sa biniling bahay ng asawa ko na balak nitong ibagay kela nanay.
Habang itong dalawa naman ay binigyan niya ng tig isang condominium unit. Imagine, nagbigay ito ng fifty million kela nanay tsaka binigyan pa ng iskolar ang dalawa habang ang dalawang kaibigan ko naman ay binigyan ng tig isang milyon at binigyan pa nito ang dalawa ng trabaho sa kompanya. Sinubukan ko pa na pigilan ito dahil nakakahiya at sobra-sobra na ang tulong na ibinigay nito ngunit sinabi lang nito na kulang pa iyon kumpara sa pagliligtas ng mga ito sa 'kin.
Wala naman na akong nagawa kung hindi ang pumayag dahil na din sa kakulitan ng lalaking yun.
Pormal na din palang nakipag usap dito si Tristan para magpasalamat sa pag kupkop sa akin. Gayun din sina mommy at daddy ko. Taus puso itong nagpasalamat dito dahil sa paglilitas sa nag iisa at napakagandang unika ija nila.
Nakakatuwa lang dahil nagkasundo-sundo agad ang mga ito. Kahit na unang pagkikita palang nang mga ito.
"Naku bakla bakit hindi mo naman sinabi na ang yaman-yaman mo pala bakla?" Sabi ni Amber komportableng naka upo ito sa malaking sofa sa harapan ko. Gayun din si Mengay.
"Oo nga baks. Nahihiya tuloy kaming tawagon kang fren, parang langit ka habang kami ay slap soil lang." Sabi naman ni Mengay.
"Mga gaga! Huwag nga kayong mag inarte kung hindi naman kayo ganong kagandahan." Biro ko sa kanila at inirapan mga ito.
"Osige kung ganyan ang gusto ninyo edi magkalimutan nalang tayo." Sabi ko dahilan para manlaki ang mga mata nito at sabay pa itong lumapit sa akin at hinawakan ako sa kamay.
"Ikaw naman mars. Walang gano'n mars." Sabi ni amber.
Natawa naman ako sa mga kagagahan ng dalawang ito.
"Siya nga pala baks..." sabi ni Amber.
"Hmm?" Tanong ko.
"Maraming salamat talaga huh? Hindi namin in-expect na bibigyan kami ng condominium ng asawa mo," sabi nito.
"Sobra na iyong naitulong mo sa amin." Sabi naman ni Mengay.
"Tsaka biday, ang pogi-pogi pala ng asawa mo sa personal! Hope all! Ang haba talaga ng hair mo! Ikaw na talaga!" Si Mengay na sinabunotan pa ako.
"Oo nga and swerte mo. Akala namin na chinacharoter lang kami ni aling Mercy ng sabihin nito sa amin na lumuwas ka dito para bawiin ang asawa mo." Si Amber.
"Hindi namin akalain na may magkakagusto sa kagaya mong palaging galit ang itsura at mukhang dragon." Sabi ni Mengay kaya sinabunutan ko ito.
"Wow ha? Ang kapal naman ng fezlak mo na sabihan ako ng ganon? Eh hindi ka rin naman gano'n kagandahan dahil isa kang anaconda!" Sabi ko habang pabiro padin itong sinasabunutan.
"Oo nga. Hindi lang yan mukhang anaconda dahil mukha din 'yang pako sa arko ni noah" dagdag pa ni Amber.
"Sipsip ka ka talaga bakla! Hayop na 'to eh mukha ka ngang gulong ng kalesa!" Balik naman ni Mengay.
Hindi talaga mawawala ang ingay tuwing magkakasama kami nito mga kaibigan ko. Hindi ko tuloy maiwasan na ma excite na ipakilala sila kela Sam, Arjun at Eunice. Lalo na kay Arjun dahil baliw din ang isang iyon.
BINABASA MO ANG
My Husband Returned?! [MPREG]
Romance[Warning! BxB/BL /SPG] [COMPLETED|UNEDITED] Formerly "The badass gay's return" "Itigil ang kasal!" Sigaw nito na umalingaw-ngaw sa loob ng simbahan dahilan para mapunta ang lahat ng tingin ng tao sa kanyang direksiyon. "K--Kiannah?" Ang gulat na gu...