Chapter 8

1.4K 78 7
                                    

Chapter 8

Kiannah's P.O.V

Mag ta-tatlompung minuto na kami ditong naka babad sa bathtub. Hindi parin kami umaahon. Ewan ko ba kung ano ang naisip ni Tristan at naisipan na mag ayang maligo kami ng sabay.

"Baby wait let me wash your hair." Ani ng lalakeng nasa likod ko at naglagay ito ng shampoo sa kamay bago ipinahid sa ulo ko at marahan minasahe ang ulo ko.

"Wala ka bang balak na mag banlaw? Nangungulobot na yung palat ko dahil sa tagal na nating nakabababad sa tubig ko?" Sabi ko.

"Maraming beses mo na bang shinampoo ang buhok ko? Baka malagas na ang mga buhok ko n'yan? Ayaw mo naman akong makalbo hindi ba?" Ani ko. Rinig ko ang mahinang pagtawa nito sa likuran ko.

"Sorry baby. Na miss ko lang kasi na paliguan ka." Anito.

"Hmm." Sabi ko.

"Ah... baby?" Pagsisimula ko.

"Hmm?" Sagot nito.

"P--pwede bang mag request?" Sabi ko dito.

"Of course. Anything for you baby. Ano yun?" Anito.

"Pwede ko bang paluwasin dito sina nanay at tatay pati yung dalawa kong kaibigan?" Ani ko.

"You mean yung mga kumopkop sayo?" Tanong nito.

"Hmmm... kung ayos lang sayo." Sabi ko.

"Of course! Kailan mo ba planong papuntahin sila dito? It's a good thing para personal akong makapag pasalamat sa kanila para sa pag kupkop at pagligtas nila sayo. I want to give them a gift para makabawi manlang sa kabutihan nila sayo." Sabi nito.

"Depende. Kailangan ko silang kumbisihin na pumunta dito." Ani ko.

"Hmmm... just tell me if they agree." Sabi nito.

"Thank you." Nakangiting nilingon ko ito.

"No problem. Anything for you baby." Nakangiti ding sagot nito.

"Now let's rinse off and get change para ma-iuwi na kita sa mansion." Anito at sinimulan na niyang banlawan kaming pareho.

___________

Habang nasa biyahe ay hindi ko mapigilan ang hindi makaramdam ng kaba ngunit ipinagsawalang bahala ko lang kita at sa halip at tinignan ang lalaki sa tabi ko na abalang nagmamaneho ng sasakyan at maya't-maya ang pagtingin nito sa 'kin. Maaliwas ang mukha nito at halata sa mukha nito na tila nawalan ito ng mabigat na prolema.

Hindi ko mapigilan ang pagmasdan ang mukha ng asawa ko. Napangiti ako habang pinagmamasdan ito. Marami na din kaming mga pinagdaan sa mga taong magkasama kami at umabot pa sa punto na nagkahiwalay kami dahil sa nangyari.

"Oh? Bakit nakatingin sa akin ang asawa ko?" Nakangiti nitong saad habang hindi inaalis ang tingin sa harapan ng sasakyan.

"I love you." Saad ko dito dahilan para mas lumawak ang ngiti nito.

"I love you more baby..." sagot nito sabay kinuha ang kamay ko at hinalikan ito.

"Hinding-hindi ako magsasawa na sabihin at iparamdam saiyo kung gaano kita kamahal,"

"Ipinapangako ko na ikaw lang ang mamahalin at aalagaan. Ikaw lang ang titingnan, ikaw lang ang iisipin at ikaw lang ang gagawing inspirasyon. Sayo lang ako makikinig at higit sa lahat. Sayong-sayo lang ako pati itong bagay natutulog sa ilalim ng trousers ko. I am yours and you are mine. Always keep that in mind baby." Mahaba at puno ng emosyong turan nito at sinadya pa talagang diinan ang salitang 'I am at you'.

My Husband Returned?! [MPREG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon