Chapter 20

1.5K 68 50
                                    

A/N: Shutaaa! This is the second version of chapter 20. Aksidente ko po kasing na select all tas napindot ko yung backspace kaya ayon nadelete ko. Grabe ang iyak ko talaga shuta huhuhu.

___________

Chapter 20

Kiannah's P.O.V

"Baklaaaa!!!" Bungad ni Amber at Mengay pagkapasok nito sa loob ng kuwarto ko. At agad silang nagsilapitan sa kama ko.

Pagkalapit ng mga ito ay isa-isa nila akong niyakap at iningatan na masagi ang nakabenda kong sugat.

"Jusqo pinag alala mo kami ng husto kong alam mo lang! Halos hindi magkamayaw ang aking kembular dahil sa kaba. May gad ka talaga baks!" Sabi ni Amber. At napahawak pa ito sa dibdib niya.

"Ikaw talaga Kiannah sobra mo kami pinakaba!" Sabi ni Sam. Namumula ang mukha nito at halatang galing ito mula sa pag iyak.

"Ikaw babe huh? Halos matanggal at kumawala ang kidney ko dahil sa pag aalala. Huwag mo na ulit iyong gagawin hu" sabi ni Arjun. Babe talaga ang nakasanayang itawag sa akin ni Arjun. Iyan din ang rason kung bakit mabigat ang dugo nila ni Tristan sa isat-isat. Kay Eunice ay wala naman itong kaso since alam niya na close na close talaga kami ni Arjun sa isat-isat simula pa nung college.

"Mabuti nalang at naging ligtas ka Kiannah." Sabi naman ni Eunice.

"Naku. Oo nga mareng Eunice pasalamat nalang tayo at masamang damo itong kaibigan natin. Dahil naku kung hindi, malamang ay na deadbol na ang bakla." Sabi ng Mengay na ikinatawa nilang lahat.

"Huwag mo akong lalapitan huh! Kita mo kakalbuhin talaga kita!" Sabi ko dito at pinanlakihan ng mata.

"P--peace tayo baks. Ok?" Sabi nito at nag peace sign pa.

"Hay naku. Grabe ka talaga baks huh? Legit ang kava naming lahat dahil sa nangyari akala namin ay matetege ka pero sadyang malakas talaga ang kapit mo eh. Literal na may sa pusa talaga ang buhay mo dahil naka ligtas ka sa bingit ng katamatayan! Hindi lang once kundi twice! Oh diba pak na pak! Siguro... crush ka ni kamatayan kaya palagi kang nakakligtas?" Mahabang sabi ni Amber na ikinatawa din namin.

"Gaga! Isa ka pa!" Natatawang inirapan ko ito.

"Pero salamat sa inyo huh? Dahil nandiyaan kayo." Sabi ko.

"Naku, wala kang dapat ipagpasalamat. Sa totoo lang kami nga dapat ang magpasalamat kay gos dahil binigyan niya kami ng kaibigan na kagaya mo." Mahabang sabi ni Sam.

Napangiti ako dahil sa sinabi nito.

"Naks... pwede na ba akong maiyak?" Biro ko pero sa totoo lang ay naluluha na ako.

"Naiiyak ka na nga eh" sabi ni Arjun.

"Shuta ka Jun-jun hindi 'to. Napuwing lang ako! Huwag kang ano d'yan. " sabi ko at pinaypayan pa ang mga mata ko.

"Sus... palusot ka pa baks eh halatado naman na eh." Ani ni Mengay.

"Siya nga pala may regalo kami sa'yo." Ani ni Eunice. Tiningnan nito si Arjun at tila nakuha naman nito ang ibig sabihin ni Eunice kaya kaagad itong tinungo ang sofa at doon ay may kinuha itong paper bag.

Pagkarating nito ay agad nitong inabot sa akin ang paper bag.

"Para sa'yo babe." Ani nito sabay abot ng paper bag.

"Ano 'to?" Nagtatakang tanong ko.

"Basta buksan mo nalang!" Ani ni Sam.

Kaya binuksan ko naman ito kaagad. Pagkakita ko sa loob ng paper bag ay may laman itong maliit na puting kahon kaya kinuha ko ito mula sa loob ng paper bag.

My Husband Returned?! [MPREG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon