Chapter 19
Third person's P.O.V
*before the hostage taking*
Kalalabas palang ni Donita at Sophie sa comfort room matapos nitong magpalit ng underwear dahil sa nangyari.
"Oh my god. Ang anghang parin ang pussy ko!" Reklamo ni Sophie habang paika-ika itong naglalakad. Palabas na sila ng boutique.
"Gosh, girl. Bakit ba kasi biglang naging maanghang yung panty mo? Hindi mo ba ni-check yung niligyan mo? " tanong nito kay Sophie.
"Hindi. Hindi ko napansin na may liquid pala or something na nalagay sa panty ko." Sagot nito.
Ayan tuloy, kawawa yung kepyas mo? Naging extra spicy hahaha!" Tinawanan ito ni Donita.
"Walang kikilos ng masama, holdap 'to!!!" Dinig nilang sigaw.
Napatili at nanlalaki ang mata ni Sophie nang bigla nalang may humawak sa leeg nito sabay tinutukan ng baril.
Agad na nagkagulo ang tao sa loob ng botique at nagtakbuhan ito habang ang iba naman ay napatili dahil sa takot.
Mas lalo pang nagkagulo nang magpaptutok ang lalaki.
"Oh my goshhhh!!!" Sigaw pa ni Donita at mabilis itong tumakbo at iniwanan ang kaibigan nito.
"Donita! Help me!!!" Sigaw ni Sophie at napaiyak na ito.
"Huwag kang maingay! Sumama ka sa akin!" Sabi ng lalaki.
"Let me go!" Nagpupumiglas na ani nito.
"Huwag kang magulo kung hindi mo pa gustong mamatay!" Saway ng lalaki.
Dala ng takot ay wala namang nagawa si Sophie kundi ang magpatianod. Dinila si siya nito palabas ng boutique at hinila papuntanf rooftop.
"Tawagan mo ang pamilya mo at sabihin mo na bigyan nila ako ng sampung milyon kapalit ng buhay mo!" Sabi ng lalaki.
"What?!" Gulat na sabi nito.
"Tumahimik ko at gawin mo nalang ang iniuutos ko kung ayaw mong patayin kita?!" Sigaw ng lalaki dito.
Wala nang nagawa si Sophie nang kaladkarin siya ng lalaki. Tanging pag iyak nalang ang nagawa niya.
'Karma na yata ito dahil sa pinag gagawa ko kay Kiannah' sambit nito sa utak niya.
Taimtim siyang nagdasal na sana ay may magligtas sa kanya nang biglang...
Nakarinig siya ng tunog ng cellphone. Sa likod ng malaking tanke nanggagaling ang tunog!
"Sino ang nandiyaan! Babarilin ko 'tong babaeng ito kapag hindi ka lumabas!" Banta nito.
"Isa! Kapag hindi ka pa lumabas d'yan, sasabog ang bungo ng babaeng ito!" Sabi ulit nito nang wala paring lumalabas.
Ilang sandali pa ay unti-unting lumabas sa pinagtataguan nito ang tao habang hawak-hawak ang baril sa nanginginig na mga kamay nito.
Nanlalaki ang mata ni Sophie dahil hindi niya inaasahan na si Kiannah ang nasa likod ng tanke!
"Sino ka?!" Sigaw na tanong ng lalaki.
Tila nabuhayan naman ng loob si Sophie dahil akala niya ay walang mag liligtas sa kanya pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay mayroon pala at ang mas lalong nagpagulat sa kanya ay si Kiannah pa talaga ang magliligtas sa kanya.
Nakaramdam siya ng pagkahiya dahil sa kabila ng mga ginawa niya dito ay nagawa parin nitong iligtas ang isang tulad niya.
________________
BINABASA MO ANG
My Husband Returned?! [MPREG]
Romance[Warning! BxB/BL /SPG] [COMPLETED|UNEDITED] Formerly "The badass gay's return" "Itigil ang kasal!" Sigaw nito na umalingaw-ngaw sa loob ng simbahan dahilan para mapunta ang lahat ng tingin ng tao sa kanyang direksiyon. "K--Kiannah?" Ang gulat na gu...