Chapter 5

1.9K 99 4
                                    

Chapter 5

Kiannah's P.O.V

"Nasaan tayo bess? Kaninong unit 'to?" Tanong ko. Habang nililibot ang tingin sa loob nitong napakagandang condo unit. Maganda ito at malaki. Bongga ang design nito at halatang mamahalin.

Nandito kami sa pinaka mataas na unit na nasa 35th floor room 2087.

"Kay Tristan 'to. Dito ka muna mananatili pansamantala. Tatawagan ko nalang si Tristan para malaman niya kung saan kita dinala."

Ang dami na palang nagbago.

Sabi nito. "Papunta na rin dito sina tito at tita kasama ang kambal."

"Sigurado hahanapin ka ng pamilya ng Sophie na yun dahil sa eskandalong nangyari. Panigurado marami ka na ring bashers ngayon." Sabi pa nito.

Kita parin sa maamo nitong mukha ang pamumula ng kanyang mga mata dahil sa pag iyak.

"Wala akong pakialam sa mga bashers na yan basta ang mahalaga ay mabawi ko ang asawa ko. Ako ang tunay na misis Real at hindi ko hahayaan na mapunta lang sa ibang babae ang asawa ko!" Anas ko.

"Hmm..." tumango ito. "Tsaka bess, ikaw huh? Ang ganda na sana ng grand entrance mo. Pang teleserye na sana ang dating pero nadapa kapa. Pffft" pigil na tawa nitong ani.

"Nayawa ka! Bakit mo ba kailangan ipaalala yun? Kasalanan ko bang ang tanga-tanga ng isle na yun sa simbahan?" Sabi ko.

"Oo na. Ang tanga ng isle. Oo." Pigil parin nitong tawa.

Hindi ko naman mapigilan ang mapa irap dito.

"Pero in fairness bess, siguradong kalat na sa buong bansa ang pagiging maganda ko. Pano na 'to bess? Hindi ba't gusto kong manatiling undiscovered ang ganda ko?" Sabi ko dahilan para batukan ako nito.

"Aray ko na piste ka! Kelan ka pa natotong batukan ako? Diba sa ating dalawa ako ang master—i mean, ako ang dapat gumagawa nun saiyo?" Reklamo ko.

"Dapat lang yan sayo dahil hindi ako magkamayaw sa pag iyak nung naaksidente kayo." Sabi nito.

"Pero bess... ikaw nga yan! Hindi parin ako makapaniwalang buhay ka..." naluluhang ani nito.

"Ako nga din eh. Hindi rin ako makapaniwala na binigyan pa ako ni lord ng pagkakataon. I guess, hindi ko pa talaga oras. Tsaka baka ako ang pinaka magandang dilag sa langit pag nagkataon na kinuha na nga ako ni sampedro." Biro ko.

"Ang saya ko... hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon bess... sobrang na miss kita lalo na ang kagagahan mo." Umiiyak itong niyakap ako.

"Shhh... na bayot ka tim ka matook ay hin saba. If i know hindi ka umiiyak pag naglalabing-labing kayo ni Chase?" Sabi ko dahilan para pamulahan ito ng mukha at humiwalay ito ng yakap.

[Trans: bakla ka, napaka iyakan mo talaga. Tumahan ka na.]

"Ambastos ng bunganga mong Kiannah! Anong konek nun don?!" Inis na sabi nito.

Hindi ko mapigilan ang mapatawa dahil sa naging reaksiyon nito.

"Anyway na miss ko din kayong lahat lalo na ang magkambal. Kamusta naman sina mommy nang malaman nila na patay na ako?" Hindi ko mapigilan ang maluha ng sabihin ko iyon.

"Naku bess, kung alam mo lang halos mabaliw kaming lahat lalo na sina tita at tito. Palaging umiiyak si tita habang niyayakap ang mga damit mo habang si tito naman ay palaging tulala. At lalong lalo na si Tristan. Ilang buwan din yung hindi makausap ng maayos dahil sa pagkawala mo, tila nawalan ng sigla ang buhay nila. Sa awa naman ng diyos ay nakapag move on din kami kahit na papaano dahil na realize namin na hindi ka magiging masaya kapag magpakalunod kami sa lungkot. " mahabang turan nito.

My Husband Returned?! [MPREG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon