WARNING! SPG AHEAD. ONLY THE OPEN MINDED PEOPLE AND THE UNDERAGE AUTHOR IS ALLOWED TO READ. YOU CAN SKIP THIS IF YOU DON'T LIKE TO READ SPG SCENES. DON'T SAY I DIDN'T WARN YA!
Chapter 15
Kiannah's P.O.V
"Anak, mag iingat ka parin sa Sphie na 'yan" sabi ni mommy na tinanguan naman ni nanay.
"Oo nga anak, tama ang mommy Emily mo, huwag kang maniwala d'yan baka nagbabalat kayo lang yan o baka nagpapaggap lang yan na mabait para makuha ang tiwala mo tapos pag nagtagumpay siya na makuha ang tiwala mo ay saka ka naman niyan lalasunin." Pag sang ayon naman ni nanay.
"I objection the honor ate, tama nga sila nanay. Alam ko iyang babae na yan eh kontra bida talaga iyan sa love story n'yo ni kuya Tristan." Saad naman ni Yenyen.
"I objection the honor din ate, tatlong araw palang simula nung ipinaholdap niya si Mengay. Tsaka hindi pa nga nag hihilom ang sugat sa labi niya oh?" Turo naman ni Rey.
Napailing naman ako dahil kay aga-aga palang pero ang nega-nega na nila agad.
"Mommy, nay, ke aga-aga ang nenega niyo na agad. My gad! Learn to forgive tayo ha? Oki ba? Tsaka mabuti na nga iyon dahil wala ng gulo." Sabi ko sa kanila.
Nasa sala kami ngayong lahat liban kay Tristan na nasa taas pa at mahimbing pa ang tulog.
Ang aga pa nilang bumisita ngayon. Pero mabuti na yun dahil plano naming magsimba ngayon. Sunday kasi ngayon kaya napag pasyahan namin na magsama-samang magsimba.
"Siya nga pala san napunta ang dalawa kong tatay?" Tanong ko. Oh diba? May dalawa akong nanay tsaka tatay? No wonder na walang makakatalo sa taglay kong kabaitan at mala diyosang kagandahan.
"Ah... naglibot-libot ang dalawang iyon dito sa mansion. Inilibot ng daddy Fernan mo si tatay Danilo mo dito. Akala mo naman siya ang may ari ng mansion." Natatawang sabi ni mommy.
"Hayaan mo na po mommy" natatawa ko ding saad. Nakakatuwa lang talaga dahil magkasundong magkasundo ang tunay kong mga magulang at ang mga nag kupkop sa akin na para ko na ring mga magulang.
"Hay, mag best friend na yata ang mga iyon" sabi naman ni nanay.
"Tama ka d'yan Mercy" pag sang ayon naman ni mommy.
Nagpatuloy kami sa pag uusap nang bigla namang may boses na sumingit.
"Good morning!" Masayang sabi ni Tristan agad namang nabaling ang tingin namin sa direksiyon nito.
Nakangiting naglalakad naman ito papunta sa pwesto namin. Kagagaling lang siguro nito ng banyo at naghilamos. Halata dahil may hawak pa itong bimpo.
"Good morning mommy Emily, nanay Mercy" sabi nito tsaka lumapit sa mga ito para magmano.
"Good morning din ijo" Sabay na sagot nina mommy at nanay.
"Good morning kuya!" Sabi ng dalawa.
Nginitian naman nito ang dalawa kong kapatid bago ito humarap sa pwesto ko.
"Good morning baby ko." Sabi nito nang makaupo ito sa tabi ko sabay niyakap ako at hinalikan sa ulo.
"Ano ba Tristan? Umayos ka and'yan sila mommy nakakahiya!" Pabulong kong sita dito. Pero embis na tumigil ay mas hinigpitan pa nito ang yakap sa akin at isiniksik ang ilong nito sa may leeg ko at marahan iyong sininghot.
Jusmiyo marimar! Ang clingy ng lalakeng 'to!
Gusto mo naman? Sabi ng kabilang utak ko.
Dinig ko namang napatawa sina mommy.
BINABASA MO ANG
My Husband Returned?! [MPREG]
Romance[Warning! BxB/BL /SPG] [COMPLETED|UNEDITED] Formerly "The badass gay's return" "Itigil ang kasal!" Sigaw nito na umalingaw-ngaw sa loob ng simbahan dahilan para mapunta ang lahat ng tingin ng tao sa kanyang direksiyon. "K--Kiannah?" Ang gulat na gu...