Chapter 7

1.6K 86 7
                                    

Chapter 7

Kiannah's P.O.V

Naalumpungatan ako dahil sa mahinang paghaplos sa pisnge ko at ang mayat-mayang pagdampi ng bagay sa aking noo at labi.

Napaungot ako dahil sa distorbong nang aabala sa pagtulog ko. Tumagilid ako mula dito ngunit ilang minuto lang ang lumipas ay mayat-maya nanaman ang pagdampi ng bagay sa pisnge ko ngayon ay hinahaplos naman nito ang buhok ko.

"Hmmm... nga bolenyaeroy ano ba tin kinahanglan? Nasabot na nakaturog pa't tawo?"

Trans: Ano ang kailangan mo p*tangina? Alam mong natutulog pa yung tao eh.

Dinig ko ang mahinang pagtawa ng kung sinong lapastangan ang nag istorbo sa beauty rest ko.

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko kahit na inaantok pa ako. Pano kasi eh, inabot na kami ng madaling araw dahil panay lang ang kwentuhan naming ng baby ko tungkol sa mga bagay na nangyari sa amin nitong mga nagdaang taon na hindi kami magkasama.

Nabalitaan ko na naapektuhan ang negosyo nila Tristan dahil sa nangyaring aksidente ngunit naibalik namin ito sa dating katanyagan ang kanilang negosyo. Ngunit hindi na sila ganoon kayaman tulad ng dati.

Naiintindihan ko naman kung bakit siya napilitang pakasalan si Sophie. Dahil lang naman yon sa kagustuhan ni tito Willard. Gusto niyang pag bigyan ito dahil pakiramdam niya ay siya ang may kasalanan kung bakit bumagsak dati ang company nila.

"Wakey-wakey sleepy head." Sabi ng boses.

Unti-unti akong nag inat ng mga braso ko at hindi ko mapigilan ang pagguhit ng ngiti sa aking mga labi dahil mukha agad ni Tristan ang sumalubong sa aking paningin.

"Good morning baby ko..." malaki ang ngiting bati nito.

"Goodnight." Sabi ko dito dahilan para mapakunot ang noo nito.

"Are you mad?" Nakalabi nitong tanong.

"Hindi ka natulog?" Tanong ko ng mapansin ko ang mga itim na guhit sa ilalim ng mga mata nito.

Umiling lang ito at ngumiti.

"Yeah. I just keep on staring at you the whole night. Natatakot kasi ako na baka pag matulog ako at pagkagising ko ay wala ka na naman sa tabi ko." Anito dahilan para pitikin ko ang ilong nito.

"Ikaw ang parnanoid mo. Ang gwapo mo na sana pero ang paranoid mo! Diba sabi ko naman sayo buhay ako? Hindi ka nanaginip ok? Ok?" Sabi ko dito.

"Matulog ka na muna. Ipaghahanda lang kita ng makakain ok?" Sabi ko at binigyan ito ng halik sa pisnge dahilan para mapangiti ito ng sobrang laki.

"No. Ayokong matulog." Pag mamatigas nito at umiling pa.

'My gad! Itong damuho talaga! Enebe? Weg ke ngeng genyen fleece? Kenekeleg eng pempem ke' lihim kong tinampal ang sarili ko dahil umaatake nanaman ang pagkamalandi ng utak ko.

"Wag nang matigas ang ulo baby ko. Matulog ka na promise hindinako aalis." Ani ko at niyakap ito ng mahigpit.

Napalunok naman ito at parang kinakabahan na ipikit ang mga mata nito. Pinipilit nitong manatiling gising kahit na namumula ang mga mata nito dahil sa sobrang antok.

"A--ayokong matulog baby. I want to stay awake." Anito.

"May gad Tristan ang tigas ng ulo mo. Buhay na buhay ako oh? Buhay na buhay ako kaya mag refrainlalu ka na sa pag headstrong dahil wititit aalis detey. Gets mo? Kaya matulog kana." Hindi ko mapigilan ang magdada.

Kunot ang noong tinignan ako nito. Marahil ay hindi nito naintindihan ang ibang mga salitang lumabas sa aking bibig.

Napabuntong hininga nalang ako dahil sa katigasan ng ulo nito.

My Husband Returned?! [MPREG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon