Chapter 13

1.2K 73 4
                                    

Chapter 13

Kiannah's P.O.V

Sabay-sabay kaming lumabas ng mall at napag desisyonan na maglakad nalang papuntang condominium ni Tristan na tinitirahan nila nanay.

Hindi na namin kailangan na sumakay ng sasakyan para puntahan ito, maglalakad nalang kami dahil ilang bloke lang naman ang layo nito dito.

Nagtatawanan kami habang naglalakad dahil sa hindi talaga mapirmi ang mga bibig ng dalawang ito.

"Hoy baks." Basag ni Amber.

"Ano yun? Oo. Mas maganda parin ako." Inunahan ko na ito.

"Listo mo huh? Takot talagang masabihang panget." Sabi naman ni Mengay.

Pinang ikutan ko naman ito ng mata sabay sabi ng.

"Knows ko na kayong dalawa simula sa bumbunan n'yo hanggang sa kalingkingan ng mga paa n'yo! Hmmp! Mga mukhang ingrown na 'to." Pabirong sabi ko.

Natawa lang naman ang mga ito.

"Gaga hindi yun." Sabat naman ni Amber.

"Eh ano?" Sabi ko naman.

"Si ano ba..." sabi nito.

"Sinong si ano?" Takang tanong ko.

"Si idol. Si Sophie Rivera ba?" Tanong nito.

"Ano naman yung bruhang yun? Bakit nasali sa usapan yun?" Sabi ko.

"Mabait ba?" Sabi nilang dalawa.

Hindi ko mapigilan ang mapa irap nang sabihin nila ang word na 'mabait'.

"Ay yun? Ay oo. Sobrang bait nun. Oo. Magkasundong magkasundo nga kami ng isang yun eh." Sarkastiko kong sabi.

Hindi naman yata ito nakuha ang ibig kong ipahiwatig dahil nagtilian pa ang mga ito. Mga honghang talaga minsan ang dalawang ito.

"Ay sabi ko na eh. Ang bait nun, kaya nga loding-lodi ko siya eh." Sabi ni Amber.

"Ay oo. Bukod sa maganda na nga, ang bait-bait pa! Imagine, kahit na... alam mo na magkaagaw sila ng asawa eh nagawa pa talaga nilang magkasundo." Pag sang ayon naman ni Mengay.

"Kaya nga Meng. Idol na idol ko talaga yun!" Parang proud pang sabi ni Amber. Napa ikot nalang ang mata ko dahil sa naririnig kong usapan nila. If they only knew. Nasobrahan sa kagaspangan ang ugali ng isang yun.

"Hoy baks... baka naman pwedeng ipakilala mo kami kay Sophie. Alam mo naman na idol namin siya. Tsaka dream come true na din para sa amin yun kasi sa TV lang namin siya nakikita." Mahabang sabi ni Amber.

"Oo!" Iritang sabi ko at pinang ikutan ito ng mga mata.

"Ay bakit parang galit ka bakla?" Sabi ni Amber.

"Ako? Galit? Hindi ah..." sabi ko parin at pinang ikutan ito ng mata.

"Ay naku thank you talaga baks..." sabi nito at niyakap ako.

"Hoy mga bakla hindi ba si Yenyen yun?" Singit ni Mengay at itinuro ang direksiyon nito.

"Hala dai hinoholdap yata ang kapatid mo!" Sabi ni Amber.

Napalingon naman ako dito at shit! Si Yenyen nga! Hinihila ito ng mga lalaking naka itim!

Nasa kabilang kalye ito sa tapat ng lumang grocery. Sumisigaw ito dahil sa labis na takot sa mga lalaking humihila dito.

"Sugurin natin—" hindi na natapos sa sasabihin nito si Mengay ng agad-agad na akong tumakbo para puntahan ang kapatid ko.

Mabilis pa sa alas kwatro nang takbuhin ko ang direksiyon nito. Gayun din ang dalawa kong kasama.

My Husband Returned?! [MPREG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon