Chapter 17

1.3K 65 11
                                    

Chapter 17

Kiannah's P.O.V

Pagkagising ko ay sakit agad ng ulo ang bumati sa pakiramdam ko. Para bang binibiyak ito na hindi ko alam basta sobrang sakit talaga.

"Aray... shutangina ang sakit ng headache ko." Mahinang daing ko at bahagya pang napahawak sa ulo ko. Napapikit nalang ako dahil sa sakit. Ramdam ko na may basang bimpo na naka patong sa ulo ko.

Teka, ano bang nangyari? Bakit nakahiga ako ngayon? Naglasing ba ako—ay shuta! Oo nga pala pinilit akong painumin nila Sophie kagabi sa bar! Lagot ako ngayon kay Tristan!  Tarantang sabi ko sa isip ko.

Pinilit ko ang bumangon kahit na nahihilo ako dahil sa sakit ng ulo ko. Nang...

"You're awake. Ok lang ba ang baby ko?" Tanong ng isang boses.

Kaya napalingon ako dito.

Bumungad sa aking paningin ang mukha ng adonis na pinakamamahal ko. Naka upo ito sa gilid ng kama.

"A--anong nangyari?" Tanong ko.

"Sinundo kita sa bar kagabi." Tugon nito.

"I--I'm sorry hindi ko sinabi sayo yung totoo. M--magpapaliwanag ako—" sabi ko ngunit hindi ako nito pinatapos sa pagsasalita.

"Alam ko na ang lahat. You don't have to explain." Ani nito at hinawakan ang kamay ko.

"S--sorry talaga baby..." paghingi ko ng tawad. Hindi ko mapigilan ang makaramdam ng hiya  dahil sa pagsisinungaling ko dito.

"Shhh... it's ok." Saad nito.

Kahit na makirot ang ulo ko ay nagawa ko itong bigyan ng matamis na ngiti. Ang bait-bait talaga ng asawa ko.

"Next time huwag ka ng maglilihim sa akin huh? I can't lose you again. I don't know what will I do if I lose you again. Mababaliw na yata ako. Sana hindi na kita hinayaan na umalis kagabi. I'm sorry." Malungkot na sabi nito.

"Wala ka namang dapat ihingi ng tawad sa akin wala ka namang kasalanan. Ano ba ang nangyari kagabi? Hindi ko maalala eh." Sabi ko.

"Muntik ka ng mapahamak." Sagot nito.

"What do you mean?" Takang tanong ko.

At ikinuwento nito ang nangyari kagabi.

"Totoo bang nagawi n'ya sa akin yon?" Sabi ko.

Tumango ito bilang sagot. "I told you, she's just pretending to act kind."

Hindi ako makapaniwala na nagawa akong traydurin ni Sophie. After kong makipagkaibigan sa kanya? Pagkatapos ko siyang bigyan ng chance? I let my guard down on her dahil ang akala ko ay magbabago na talaga siya pero akala ko lang pala yun. Sinira lang niya ang friendship na handa kong ibigay sa kanya!

Hindi ko maiwasan ang malungkot at the same time ay magalit dahil sa ginawa niya. Binalak niya pa talaga akong ipagahasa sa mga pangit na bulas? Huwag lang talaga kaming magpapang abot dahil mapapatay ko talaga siya. Sukdulan na talaga ang pagka demonyita niya!

"G--grabe naman siya... nagawa niya talaga yon? Muntik na akong magahasa dahil sa kanya. Ewan ko ba kung bakit ko pa siya pinagkatiwalaan. Paano nalang kung naniwala ka? Paano nalang kung nagalaw nga ako ng mga lalaking yon? Iiwan mo din ako—"

"It will never happen baby... lahit anong mangyari ay ikaw at ikaw parin ang papaniwalaan ko. Ikaw parin ang pipiliin ko. I need you more than anything else. Remember that I'm always on your side. You are the only person that I love. Kahit ano pang gawin nila para sirain ka, hindi parin magbabago ang pagmamahal ko sayo." Sinserong sabi nito dahilan para manubig ang mga mata ko.

My Husband Returned?! [MPREG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon