Chapter 2

2.5K 120 13
                                    

Chapter 2

Note: Iibahin ko ang tawag ng mga tao kay Kiannah. I'll turn it into Biday, pero yung Pov n'ya ay naka pangalan parin as Kiannah. :))

        Dedicated to : Smiling_Ace labyo mareh sana magustuhan mo yung look mo dito HAHAHAHA MERRY PASKO!

_________________

Kiannah's P.O.V

*Two years later*

"Sawadika!!! Bili na po kayo ng galungong at tahong! As you can see, mas fresh pa silang tignan kumpara sa mga fezlak ng mga mister at misis n'yo! Char! Ano pang hinihintay n'yo? Gora na pakyawin n'yo na itong isadang paninda ko!"
Masigla kong sigaw sa loob ng palengke. Kailangan na maging fresh pa akong tigan kesa sa mga binebenta kong isada! Kailangan na mas galingan ko pa ang aking performance lalo na't marami akong echuserang kakompitensiya.

" Makakuha po kayo ng 150 pesos worth of freebies with matching autograph galing sa pinakamaganda, pinaka fresh, at pinaka maganda parin dahil siya ay reincarnation ni mother Mary, walang iba kundi ang nag iisang pinakamagandang diyosa sa balat ng lupa at sa balat ng boung karagatan... nothing else but me. I'm Biday ang baklang walang kipay! And I thank you!" Parang umobra naman ang pagiging hyper ko dahil unti-unting ng dumarami ang mga taong nais bumili ng aking mga isda.

"Magkano dito sa tahong, iha?" Tanong ng mamimiling ale.

"Ah, isang daan po ang kilo d'yan sa fresh tahong. Naku ma'am hindi hindi po kayo magsisi d'yan dahil malalaki po ang laman n'yan at hitik na hitik din po iyan sa bitamina na makakatrigger sa highblood, diabetes, osteoporosis, and leptospirosis. Char!" Wili kong ani dahilan para mapatawa ito.

"Nakakawili ka naman iha. Ang lakas ng energy mo! Oh siya, sige bibili ako ng isang kilo." Nakangiting sabi ng ale, kaya kaagad naman akong kumilos para ikilo ang tahong na bibilhin n'ya at kasunod ay isinilid ito sa plastik bago ibinigay sa kanya.

"Ma'am, sakto po yan huh? Wala pong labis at walang kulang. Pak na pak po ang timbang n'yan."

"Salamat iha."

"Ay naku ma'am thank you so much din po, hinding hindi po kayo magsisi d'yan dahil siguradong-sigurado akong parang magiging bata ulit ang pakiramdam n'yo 'pag nakain n'yo na iyan dahil sa bisa ng aking basbas,"

"Naku, nambola kapa. " natatawang sabi nito.

"Hihi, salamat po! Balik po kayo huh?" Nakangiting ani ko.

"Abay oo naman iha" nakangiting balik nito saken bago umalis.

"Magkano dito sa galunggong?" Biglang sabi naman ng isa pang ale.

"Ay madam! Hindi po kayo nagkamali ng piniling pwesto na bibilhan ng galungong. Oo. Dahil ang galungong na tinda ko ang pinaka fresh sa lahat ng fresh, at pinaka. As in, pinaka magandang galunggong sa lahat ng galunggong dahil pintakan ko po iyan ng aking kagandahan. Opo. At naiiba po iyan sa lahat ng galunggong na mahuhuli sa karagatan dahil galing pa ito ng atlantis! Opo. Tama po kayo ng narinig, nag effort pa po talaga ang aking butihing ama na mag sailor moon patungong atlantis para lang mabigyan kayo ng finest and best quality of galunggong sa halagang one hundred and eighty pesos SRP! Mura lang ho 'di ba? Kaya ano pang hinihintay mo madam? Gora na habang hindi pa na uubos."

"Ay, wag nalang pala," sabi ng ale.

Hano daw? Punyeta! Ang haba-haba ng tinalak ng butchi ko para lang i-introduce ang aking product tapos hindi naman pala bibili? Diyos ko! Na stress ang headband ko saiyo nay?

My Husband Returned?! [MPREG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon