Chapter 6
Kiannah's P.O.V
"Babeeee!!! Na miss kita. Hindi ako makapaniwala na buhay ka pa!" Sabi ni Arjun habang parang butiking nakayakap sa akin. Natatawa namang tiningnan kami ni Eunice at Sam.
"Shuta ka jun-jun umayos ka nga! Chuma-chansing kalang sa 'kin eh!" Saway ko dito. Ang clingy talaga nito.
Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Kaagad na dumalaw ang mga ito dito sa condo matapos na mabalitaan ang nangyari sa simbahan.
Naunang ng umuwi sina mommy at daddy kasama ang mga pinsan ko. Sina Chase naman ay kakauwi palang kasama ang kambal pati sila Damon at Romwel habang nagpaiwan naman si Sam.
"Eto naman, parang namiss lang kita eh. Parang ano naman 'to amoy pawis ka nga eh" reklamo nito.
"Haguy na yawaka ka arjun! Bitawan mo 'ko! Naku mareng Eunice mapapatay ko talaga itong asawa mo!" Baling ko kay Eunice na tinawanan lang ako.
"Alam mo bang halos mabaliw kaming lahat dahil sa nangyari sayo? Sobrang hirap pala ang mawalan ng baliw na kaibigan noh? Tiba mahal? Sam?" Baling nito sa dalawa na tumango lang habang tumatawa.
Shuta to. Ang kapal ng fezlak na tawagin akong baliw?
"Pwes maniwala kayo dahil buhay na buhay pa ako! Hindi pa ako naagnas!" Sabi ko.
"Kaya nga eh, ganyan talaga pag masamang damo." Biro nito. Na nagpainit sa ulo ko. Pinanlakihan ko ito ng mata at hinarap ito.
"Grrrrr yawa ka jun-jun! Mapapatay kita!" Sigaw ko at hinabol it ng hampas.
Naghabulan kaming dalawa sa loob ng condo. Tawa lang ng tawa ang dalawa.
Kalaunan ay naupo din kami sa couch katabi nila Sam.
"Seryoso... na miss ko talaga kayo ng sobraaa!" Ani ko at nag group hug kaming apat. Hindi ko nanaman maiwasan ang maluha.
" Huwag kayong mag alala dahil hindi na ako aalis. Promise hindi na ako mamatay. At ibang sasakyan nalang ang sasakyan ko. Hihi. " sabi ko at binigyan sila ng makahulugang tingin.
Kita ko ang pamumula ang mukha nina Eunice at Sam dahilan para matawa kami ni Arjun.
"Ambastos mo Kiannah!" Sigaw ng dalawa at pabirong sinabunutan ako.
Nagtawanan nalang kami.
"Salamat naman at bumalik kana. Nagalit ako kay Tristan nang mabalitaan ko na ikakasal na siya sa babaeng yun." Sabi ni Arjun.
"Ang arte-arte pa naman nun! Hindi ko siya matansiya. Naku, parang makakalbo ko yata iyong Sophie na iyon" Nanliliit ang matang sabi ni Eunice.
"Bakit nakilala na meet n'yo na ba si Sophie?" Tanong ko.
"Oo naman! Araw-araw yung naka buntot kay Tristan. Palagi nung bantay sarado si Tristan sa loob ng opisina daigdig pa ang security guard." Reklamo ni Arjun na hindi maitago ang inis.
Parang may kirot akong naramdaman sa isiniwalat ni Arjun. Kita kong pasimpleng kinurot ni Eunice ang fiance nito.
"Ikaw naman mahal, panira ka ng moment eh." Saway ni Eunice dito.
"Don't worry. Ok lang sa 'kin." Sabi ko ngunit hindi ko talaga maiwasan ang bakas ng lungkot sa boses ko.
"Ikaw kasi Arjun eh." Kinurot din ni Sam si Arjun.
"Sorry na sorry na! Yun naman kasi ang totoo eh parang higad ang isang yun!" Sabi naman nito at nagkibit balikat.
"Kaya pala hanggang ngayon wala parin si Tristan." Hindi ko mapigilan ang pagbakas ng lungkot sa boses ko.
BINABASA MO ANG
My Husband Returned?! [MPREG]
Romance[Warning! BxB/BL /SPG] [COMPLETED|UNEDITED] Formerly "The badass gay's return" "Itigil ang kasal!" Sigaw nito na umalingaw-ngaw sa loob ng simbahan dahilan para mapunta ang lahat ng tingin ng tao sa kanyang direksiyon. "K--Kiannah?" Ang gulat na gu...