A/N: Kanina ko palang ito sinulat pati yung isang special chapter. Magparamdam kayo dito huh? Char! Demanding ka ghorl?!
____________
Epilogue
Kiannah's P.O.V
*5 years later *
"We're going baby." Paalam ni Tristan. Nasa labas na ito kasama ang anak naming si Mary Margareth.
Isa itong napaka gandang babae.
Hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil aparang kailan lang ay ipinagdadalang tao ko pa lamang siya. Talaga namang napaka bilis lang lumipas ng oras. Hindi natin namamalayan ang mabilis na pagtakbo ng panahon.
Minana talaga nito ang taglay kong ganda at nag uumapaw na charisma. Lihim kong puri sa sarili ko.
"Goodbye mommy papasok na po ako ng school!" Paalam din ng anak namin ni Tristan.
Naghahanda na ito para ihatid ng daddy niya papuntang school.
"Wait lang, nasaan yung kiss ko?" Sabi ko pero hindi nila ako pinansin sa halip ay pumasok na ang mga ito sa sasakyan.
Nakaramdam ako ng kunting kirot dahil hindi manlang ako nila tinapunan ng pansin.
Napahinga ako ng malalim.
Lately napapansin ko talaga na parang nag iba ang pakikitungo nila sa akin. Lalo na sin Tristan na parang nanlalamig na sa 'kin.
Nung una ay kinumpronta ko ito kung ano ba ang nagyari o may nagawa ba akong hindi tama pero, ang sabi niya ay wala naman daw. Nakapagtataka lang at naging ganon ang pakikitungo niya—nila sakin.
Hindi ko mapigilan ang malungkot. Ngayong araw pa naman ang anniversary namin. Tila nakalimutan ni din iyon ni Tristan.
Paano kung may iba siya? Paano kung totoo nga iyon? Siguro ay nagsasawa na din siya. Sabi ko sa utak ko at hindi ko mapigilan ang maluha.
Pumasok nalang ako sa loob ng bahay at nilibang ang sarili ko. Napagpasyahan ko din na tawagan si Sam para sabihin ang nangyayari sa pagitan naming dalawa ng asawa ko.
...
"Baka naman, busy lang sa trabaho kaya hindi ka masyadong nabibigyan ng time?" Ani nito.
"Ewan ko pero, parang hindi ganon ang nangyayari eh. Parang nilalayuan ako nila. Maski nga si Margareth ay parang lumalayo ang loob sa akin." Malungkot na sabi ko.
"Naku huwag ka ngang malungkot d'yan." Sabi nito.
"Sana lang mali ang iniisip ko bess. Pero paano kung mayroon na nga siyang iba? Paano kung nakahanap nga siya ng taong pupuno sa mga pagkukulang ko sa kanya—" pinutol ako nito.
"Huwang ka ngan mag isip ng ganyan? Sa tagal niyo nang nagsasama eh. Pinag iisipan mo parin ang asawa mo ng ganyan? Kilala ko na ang asawa mo at alam ko na hindi niya iyon magagawa sayo. Tsaka kung may iba nga siya, malamang ay alam din iyon ang mga kaibigan niya." Mahabang ani nito.
"Magtiwala ka lang sa kanya, alam kong mahal na mahal ka ng isang yun kaya malabo iyang iniisip mo. Ngayon pa't may anak na kayo?" Dagdag nito.
BINABASA MO ANG
My Husband Returned?! [MPREG]
Romantik[Warning! BxB/BL /SPG] [COMPLETED|UNEDITED] Formerly "The badass gay's return" "Itigil ang kasal!" Sigaw nito na umalingaw-ngaw sa loob ng simbahan dahilan para mapunta ang lahat ng tingin ng tao sa kanyang direksiyon. "K--Kiannah?" Ang gulat na gu...