Cindy Lou Vasquez pov..
Mula sa kinatatayuan ko ngayon,tanaw ko ang malaking gusali ng ravenhood high school na pinapasukan ko. Transferee ako dito, 3rd yr na ako.dalawang buwan na pero hindi ganun kadali ang buhay ko dito sa skwelahang ito dahil binubully ako nga mga kaklase ko pero kahit ganun hindi ako sumusuko dahil pangarap ko ang makapasok dito.
Bumuntong hininga muna ako bago pumasok sa gate ng pangarap ko.
naglakad na ako papuntang room. Pagdating ko sa room,nakita ko ang mga kaklase ko na nasa loob, nagtaka ako bakit pigil ang tawa nila na nakatanaw sakin mula sa labas.
May binabalak na naman siguro silang kalokohan.
Hindi ko nalang pinansin ang mga iniisip ko at tinungo ang pinto ng room, pinihit ko na ang pinto. ng mabuksan ito, may bumagsak mula sa itaas,isang balde na mabaho at maitim ang kulay nito na parang galing sa kanal. Bumuhos lahat sa katawan ko.
Hindi ko mapigilan ang umiyak.
Lumapit sakin si Samantha.
“Welcome to hell again, Cindy.. ”Sarcastic nyang tono w/ her devilish smile at naghalukipkip pa itong nakatunghay sa harapan ko.
Nagsunod-sunod na ring lumapit ang mga kaklase ko.
“ewww..ang baho muna..bagay sa bulok mong pinanggalingan..hahaha” maarteng sabi ni marie at biglang tumawa ang mga kaklase ko. Napayuko ako at hindi maiwasang tumulo ang luha ko sa sinabi ni marie.
Sawang sawa na ako sa pambubuly nila sakin, gusto ko ng umalis dito sa school nato pero hindi ko itatapon ang pangarap kong makapagaral dito dahil lang sa pambubully nila. No way, kaya ko pa at kakayanin ko hanggang sa huli.
Masaya nga akong nakapasa ako sa exam ng ravenhood high school para exchange student sa lugar namin pero hindi ko akalain na ganto pala ka impyerno ang buhay ko dito pero kaya ko pang magtiis, isang yr nalang gagraduate na ako.
“oo nga,hindi ka naman siguro manhid para hindi mo maramdaman na hindi ka namin gusto dito,right?” sabi ni cluie sakin. Tahimik lang akong nakayuko at bumuhos ang luha sa pisngi ko.
Alam ko noon pa, noong araw na una akong tumapak sa school nato. Alam kong nagagalit sila sakin dahil sa pagtransfer ng kanilang kaklase na si russel rivera na ka exchange ko sa lugar namin sa bulacan.
“umalis ka na dito,dahil sayo nawala si russel..hindi ka namin matatanggap dito..”galit na saad ni cy,dahil sa pagkakaalam ko may relasyon silang dalawa ni russel. Malakas nya akong tinulak at namudmud ako sa sahig.
“cy,bakit mo sya hinawakan?nakakadiri ka..You need alcohol..Wait!”maarteng sabi ni Rowena at dali daling tinungo ang bag sa upuan para kuhanin ang alcohol nya. Pagkatapos bumalik na sya at binigay ang alcohol kay cy.
Dali dali akong tumayo para makaalis sa kanila.naririnig ko ang tawanan nila. umiiyak akong tumatakbo papuntang cr. Lahat ng nasalubong ko ay lumalayo sa akin dahil sa baho ko.
Pagdating ko sa cr,agad kong sinara ang pinto at umiyak. Buti nalang walang tao dito sa cr pag nagkataon para akong baliw dito.
Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin.
Ang maitim na tubig canal na bumuhos sa katawan ko. Hindi ko maiwasang maawa sa sarili ko.
“kaya ko to..”pilit ang ngiti kong nakatingin sa salamin. Kahit ang totoo nito’y hindi ko na kaya ang pambubully nila sakin. Gusto ko ng umalis dito pero ayoko naring balikan ang mga ala-alang gusto ko ng kalimutan duon sa bulakan. Kaya ako nagtake ng exam for exchange student dito sa ravenhood high school hindi dahil sa pangarap ko, kung hindi dahil may nagawa akong kasalanan. Kasalanang kailanman ay walang kapatawaran.
Kung ito ang kabayaran sa kasalanan ko,ang pambubully nila sakin, tatanggapin ko dahil hindi mababayaran ang nagawa ko.ang nagawa namin.
END OF FD 1
NEXT FD 2è
Ano kaya ang kasalanang nagawa ni cindy lou?at sino sila?
Abanga sa susunod pang mga chapter..
TNX READING!!
PLZ VOTE AND COMMENT!!
I NEED 5 READS FOR TNE NEXT UPDATE..
1ST COMMENT, 1ST DEDICATION..
BY:-EDVILL-

BINABASA MO ANG
Flash Drive
HorrorFlash drive.. Kung makakita ka ba ng flash drive sa daan, pupulutin mo ba? Paano kung ang flashdrive na nakita mo ay may lamang kahindik-hindik na video at hindi ka patutulugin sa gabi dahil palagi ka nyang dinadalaw gabi-gabi? Mag-ingat at baka gam...