FD 12
Rowena zach's pov..
Nagmulat ako ng mga mata,laking gulat ko dahil sa pagmulat ko puro makapal na usok ang tumambad sakin. Wala akong Makita kundi puro puti.hindi ko alam kung nasaan ako ngayon, Wala akong ideya hindi ko alam kung andito ba ako sa bahay namin,sa kwarto ko o sa ibang lugar. Basta,wala talaga akong Makita.
Patay naba ako?
tatayo sana ako ng hindi ako makatayo dahil nakatali pala ang dalawa kong kamay patalikod sa silyang kinauupuan ko. Nagpanic na ako dahil sa kaba, pinilit kong tanggalin ang tali pero ayaw,masyadong maayos ang pagkakatali nito.
Nagpalinga linga ako dahil baka may maaninagan akong tao. Hindi nga ako nagkakamali dahil pagtingin ko sa kaliwa ko may naaninag akong tao na papalapit sakin.
Natuwa ako dahil makakaligtas na ako.
"tulong..may tao ba dyan..tulong"sigaw ako ng sigaw.
Nang makalapit na sya ng tuluyan sakin, napamaang ako at nanghilakbot,gumapang ang kilabot sa katawan ko,hindi ako makapagsalita dahil sa gulat at kaba dahil ang nakita ko ay....
"ma-may" oo,si may sarmiento ang nasa harapan ko, nakasuot sya ng uniform na puno ng dugo, maputla ang mukha nito, ang kanyang mga mata, ang kanyang mga mata ay puro puti at may umaagos na dugo sa kanyang mga mata.
Pinikit ko ang aking mga mata sabay sabing..
"hindi ito,totoo..patay kana.may..patay kana?"habang pumipikit ako tumutulo ang luha ko.
Naramdaman kong tinaas nya ang aking baba paharap sa kanya, pero nanatili parin akong nakapikit, ayokong ibuka ang aking mga mata dahil takot akong masilayan ang kanyang mukha, takot na takot ako.
Nagulat ako nang may matulis na bagay na bumaon sa mata ko, napasigaw ako ng malakas.
"ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh" isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko dahil sa sakit, naramdaman ko ang mainit na likido na umaagos sa mukha ko, nanatili parin akong nakapikit. Binunut nya ang matulis na bagay na kanina sinaksak nya sa mata ko. Muli akong napasigaw dahil sa sakit, binaon na naman nya sa kabila kong mata ang matulis na bagay na yun.
"ahhhhhhhhhhhhh..tama na..."napasigaw na naman ako dahil naramdaman ko ang pagbaon ng matulis na bagay sa mata ko. nanghihina na ako dahil marami nang dugo ang nawala sakin. Binunot na nya ito at muli itong sinaksak sa mukha ko, sa bawat pagsaksak nito sa mukha ko,naririnig ko ang tunog ng buto ko na nawasak dahilan sa pagsaksak nya sa mukha ko. ang sakit,ang sakit ng pakiramdam ko,sa bawat pagsaksak nya ay nagiwan ng hapdi at sakit sa mukha ko.ayoko na,gusto ko ng mamatay, hindi ko na kaya. Papa, kunin mo na ako.
Mula sa makakapal na usok, nasilayan ko ang aking ama. Nakangiti sya sakin at inilahad ang kanyang kamay para siguro kunin nya ako. Nakangiti rin akong nakatunghay sa kanya. At dahan dahang itinaas ang kamay ko para abutin ang kamay nya. At iyon nag dilim na ang paningin ko.

BINABASA MO ANG
Flash Drive
HorrorFlash drive.. Kung makakita ka ba ng flash drive sa daan, pupulutin mo ba? Paano kung ang flashdrive na nakita mo ay may lamang kahindik-hindik na video at hindi ka patutulugin sa gabi dahil palagi ka nyang dinadalaw gabi-gabi? Mag-ingat at baka gam...