i dedicate this chapter to ayleebarnedo dahil natutuwa ako dahil nagandahan ka sa storyang ito..salamat..
tnx a lot guyz...
gaganahan akong magupdate dahil may nagcoment..hehehehe...
FD 11
Cindy's pov..
"cindy, sasabihin ko na ang nalalaman ko.!"napalingon ako sa kinaruruonan nya,nakita ko syang nakatayo at nagtataka ako dahil bakit sasabihin na nya ang nalalaman nya pero kanina buo na ang loob nya na hindi nya sabihin sakin baka siguro naisip nya na kailangan ni may ng hustisya.
Nilapitan nya ako,tinatanaw ko lang sya hanggang sa makalapit sya sakin.
"cindy,tama ka may kinalaman sila sa pagkamatay ni may.."pasimula nya, nabigla ako sa sinabi nya. Tama nga ako, hindi ako nagkakamali, pero paano at anong motibo nila?
"tama nga talaga ako sa iniisip ko,franz. May kinalaman sila sa pagkamatay ni may pero anong motibo nila,bakit nila pinatay si may?"tanong ko sa kanya.
Bumuntong hininga muna sya at tumingin sa kawalan bago nagsalita.
"kaklase nila si may noon at target nila sa pambubully. Palagi nalang syang umiiyak dahil sa pambubully nila sam, minsan nga naawa na ako sa kanya pero wala akong karapatang maawa dahil mahal ko pa si sam noon lahat ng gusto nya ay susundin ko maging masaya lang sya until one time,may pinakiusap sya, hindi,hindi pakiusap ang tawag dun kundi isang utos na paibigin ko si may at iwanan para masaktan ito, hindi ko akalain na hahantong na gumamit sya ng ibang tao dahil lang sa galit nito kay may. Hindi ko man gusto ang utos nya, pumayag ako dahil mahal na mahal ko sya,natatakot ako na iwan nya ako. Sa araw-araw naming pagsasama ni may, namalayan ko nalang ang sarili ko na umibig sa kanya dahil hindi sya mahirap mahalin mabait,caring lahat siguro ng magagandang katangian ay nasalo nya.makalipas ang dalawang buwan,hindi ko parin sya hiniwalayan dahil sa mahal ko na sya at nagalit dun si Samantha, at yun ang dahilan kung bakit namatay si may?"mahabang kwento nya, ako naman ay hindi makapaniwala sa mga sinasabi nya, ang totoo may kinalaman din sya kung bakit namatay si may sarmiento.
"a-ano? Nagawa ni Samantha iyan sayo at kay may?"kunsabagay magagawa nya talaga yan dahil sa nakilala ko si Samantha ang sama na ng ugali nya.
Tumango sya at nagpatuloy sa pagsasalita.
"alam mo kung bakit galit na galit si sama kay may?"tanong nya sakin this time tumingin na sya.
Napailing ako,syempre bakit ko naman alam eh,kabago ko palang ditto..
At muli itong nagkwento.
"dahil sa kompetensya,kompetensya sa honor rule. Si sam noon ang palaging top 1 sa klase nila, simula ng magtransfere si may Palagi nalang itong top 1 at si sam ay nagging top2 nalang ito. Kaya galit na galit ito kay may dahil may kompetensya na sya." Sa sinabi ni franz biglang akong may naalala at naramdaman ko nalang ang konsensya na bumalot sakin.
"franz..matanong ko lang,bakit mo sinabi sakin ang lahat ng to? Diba kanina nag atubili kang sabihin ang lahat" tanong ko na may puno ng pagtataka.
"wala lang, I just realized na magtulungan tayo para matukoy natin kung sino talaga ang pumatay sa kanya?"sabi nya this time, bakas sa kanyang mukha ang sensiridad ng sabihin nyang gusto nya na magtulungan kami, pero bakit kailangan nya pa ng tulong eh,base sa pagkwento nya alam ko na agad kung sino ang pumatay, walang iba kundi ang mga kaklase ko ang section 3-A.

BINABASA MO ANG
Flash Drive
HorrorFlash drive.. Kung makakita ka ba ng flash drive sa daan, pupulutin mo ba? Paano kung ang flashdrive na nakita mo ay may lamang kahindik-hindik na video at hindi ka patutulugin sa gabi dahil palagi ka nyang dinadalaw gabi-gabi? Mag-ingat at baka gam...