FD 25

1.5K 51 2
                                    




Samantha's pov.

Nagpapasalamat ako kay cindy dahil tinulungan nya ako sa kabila ng ginawa namin sa kanya, mabait parin ito. Tinanggal nya ang mga taling nakagapos sa kamay at paa ko.

"sa-salamat cindy!"nagpasalamat ako sa kanya. Tinulungan nya akong tumayo at mabilis na tinungo ang pinto. hahawakan ko na sana ang doorknob ng maramdaman kong mahigpit ang kapit ni cindy sakin. Napalingon ako sa kanya, nakita ko na hinawakan ni franz ang paa nya at mabilis itong hinila.

"ahhhhhhhhhh..samantha..tulungan mo ako.."natumba si cindy sa sahig at napahiga nagkaroon ng pagkakataon si franz na bunutin ang kutsilyo na nakabaon sa kanyang likod, napangiwi pa ito dahil sa sakit.

Naalarma ako at mabilis ang mga kilos kong kinuha ang fire extinguisher na nasa gilid, laking gulat ko ng mapalingon ako dahil si cindy ay nasa ibaba ni franz at malaipt ng matusok ang kaliwang mata nya sa kutsilyong hawak ni franz. Kaya agad ko syang pinukpok ng malakas.

Malakas ang pagkapokpok ko sa ulo nya dahil nabitawan nya ang kutsilyong hawak at napasigaw dahil sa sakit, may umagos na ding dugo sa ulo nya bunga ng pagpokpok ko.

Nashocked ako sa ginawa ko, nanatili lang akong nakatayo dahil hindi ko akalain na magagawa ko ang pagpokpok sa ulo ni franz habang si cindy naman ay bumangon at napaatras. Iyak ng iyak parin ito, nanginginig dahil sa takot.

Naghuhumiyaw si franz dahil sa sakit, nagpagiling giling ito dahil sa sakit na naramdaman. Hindi sinasadyang natabigan nya ang cabinet na nandun at nahulog sa kanya ang asido na nakalagay sa ibabaw ng cabinet.

Kitang kita ko ang pagtama ng asido sa kanyang balat, umusok ito na para bang natunaw ang balat nya. Nagsisigaw sya sa sobrang init at sakit.

Nanginginig akong nakatayo at nanlaki ang mga mata habang nakatingin lang kay franz na nagsisisigaw dahil sa sakit na nararamdaman. Unti-unti naring natutunaw ang kanyang pisngi buhat sa pagbagsak ng asido sa kanyang mukha.

Hindi ko namalayan nakalapit na pala si cindy at giniya akong lumabas. Hanggang ngayon shocked na shocked parin ako sa pangyayari.

Nang makalabas na kami sa bahay ni franz. Madilim na ang labas dahil gumagabi na, tahimik ang paligid. Naglakad lakad kami ni cindy, kung saan kami pupunta iyan ang hindi naming alam.

Nakakatuwang isipin na ang binubully mo noon ay sya rin pala ang makakasama mo sa gantong sitwasyon.

Huminto ako sa paglalakad at nagsalita.

"cindy, sorry..sorry sa lahat ng mga kasalanan naminsayo.." walang tigil sa pagpatak ang aking mga luha dahil sa nagsisisi ako sa mga kasalanan ko sa kanya.

NilApitan nya ako at niyakap.

"pinapatawad na kita sam pero sam sana sabihin mo kung saan nyo tinago ang katawan ni may sarmiento"napatigil ako sa pag iyak ng marinig ang sinabin nya, kumawala ako sa yakap nya.

"ci-cindy..may sasabihin ako sayo... tinago namin ang katawan ni may duon sa abandonadong cr."amin ko sa kanya, mas lalo akong umiyak dahil sa pag amin sa kanya. Naramdaman ko nalang ang mga bisig nya niyakap nya ako at hinagod ang buhok ko.

"sam, handa ka bang sabihin ito sa mga pulis.:"natigilan ako sa sinabi nya. Hindi ko kaya, anong sasabihin ko sa mga pulis kami ang nagtago sa bangkay ni may? At kami ang may pakana ng lahat? Hindi ko kayang isuplong ang sarili ko. Napailing ako at napaatras.

Flash DriveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon