I dedicate this chapter to pikachu_iluvu,salamat at nagustuhan mo ang storya ko..
===
FD 17
cindy lou's pov..
Naalala ko ang nangyari kaninang umaga pagkagising ko. Hindi kaya,ako talaga ang pumatay sa kanila,
dahil sinasapian nya ako.
[flashback]
nagising ako sa sinag ng araw na lumusot sa siwang ng bintana at dumapo sa mukha ko.
Papungay pungay pa aking mga mata dahil antok pa kasi ako. Itinaas ko ang aking dalawang kamay at lumiyad pang stretch sa buto ko at humikab. Napatuon ang pansin ko sa laptop ko. Nagtaka ako, bakit nakabukas ito at may flashdrive pang nakasaksak dito. Ne wala akong matandaan na gumamit ako ng laptop kagabi eh dahil iniisip ko ang paghalik ni franz sakin.
Muli ko na namang naalala ang paghalik nya sa akin kagabi sa labi ko, napahawak muli ako sa labi at may ngiti ang sumilay dito.
Pero nacurious talaga ako sa nakasaksak na flash drive kaya agad ko itong nilapitan at clinick ang removable disk, tumambad saakin ang kaisa-isang video na laman flash drive. Biglang kinabahan ako, ang lakas ng kabog sa aking dibdib hindi ko alam kung bakit basta ang alam ko kinakabahan ako. Para makasigurado agad kong clinick ang video at laking gulat ko sa nakita.
Video
makikita mo sa video ang makapal na usok at maririnig mo ang sigaw ni rodolph cruz na nagtatangis.
"ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh" ramdam mo ang sakit na pinararanas sa kanya.
"ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh, hayop ka..sino ka bang tarantado ka.." ramdam mo ang galit sa kanyang binibitawang salita.
After a minutes, unti-unting nglaho ang usok. Makikita mo sa video na nagtalsikan ang dugo nito sa sahig, maging sa pader. At makikita mo ang kalunos lunos na sinapit ni rodolph cruz.
Wasak ang mukha nito, halos di na ito makilala dahil sa napupug ang mukha nito buhat sa saksak, makikita rin ang mumunting laman na nakakawit sa mukha nito at puno ng dugo ang mukha.
–
nanlaki ang mga mata ko sa nakita habang pumapatak ang luha ko. Hindi ko lubos maisip bakit ako? Bakit ako pa ang nakakaalam sa dahiln ng pagkamatay nila.
[end of flashback]
Nanlaki ang mga mata ko sa naisip.
Posible kaya ako ang gumawa ng pagpatay.
Nasa malalim akong pagiisip ng makarinig ako ng langitngit ng pinto na nagmula sa kabilang cubicle. Kinabahan ako dahil sa pagkakaalam ko nang pumasok ako dito, im sure talaga na ako lang ang magisa dito dahil pagdating ko dito nakabukas lahat ng cubicle pero bakit may narinig akong langitngit ng pinto sa kabilang cubicle.

BINABASA MO ANG
Flash Drive
TerrorFlash drive.. Kung makakita ka ba ng flash drive sa daan, pupulutin mo ba? Paano kung ang flashdrive na nakita mo ay may lamang kahindik-hindik na video at hindi ka patutulugin sa gabi dahil palagi ka nyang dinadalaw gabi-gabi? Mag-ingat at baka gam...