i dedicate this chapter to khimzhaira..
salamat guyz, sa pagsuporta nyo at pagsubabay ng Flash drive.salamat narin sa paghihimtay ng UD.
==
FD 20
SAMANTHA'S POV..
Nanginginig akong napasalampak sa sahig habang tumutulo ang aking luha dahil sa nakita ko, nakita ko sina rain,cy,michelle, shaina na tadtad ng saksak ang katawan, nakahandusay sa sahig na wala ng buhay. Ang mga pader na kulay puti napalitan ng kulay pula nilang dugo.
Sino ang may gawa nito, magbabayad sya?naikuyom ko ang aking kamao dahil sag alit, galit na namuo saking puso. Sumagi sya sa isipin ko, hindi kaya sya ang pumatay.
Narinig ko ang mga bakas ng mga pang papalapit sakin, alam kong sina cristy iyon.
"sam,what happe..ahhhhhhhhhhhhhhhh"isang malakas na sigaw ang pinakawalan ni chloe dahil sa nakita.
"sam,anong nangyari ditto?"umiiyak na si chloe, dahil siguro sa pighati.
"hindi ko alam!"mabilis kung sagot.
May narinig kaming ungol, ungol na nasasaktan. Nagkatinginan kaming apat at dali daling pinuntahan ang ungol na iyon. Pumasok kami sa classroom, nandidiring nilalakaran naming ang bangkay nila rain.nakakasuka ang baho, nakakasulasok ang amoy dugo ng classroom.
"sa-sam..tu-tulong.."nakita namin si marie na nagtatago sa ilalim ng desk habang hawak hawak nya ang kanyang kaliwang braso, sa tantiya ko na tamaan ng kutsilyo dahil ang sugat na ito ay pahalang, lumalabas ang napakaraming dugo sa sugat nya, ang putting uniforme nya ay napalitan ng kulay dugo na lumalabas sa kanyang sugat.
"ma-marie"agad naming pinuntahan ito at inalalayang lumabas sa ilalim ng desk.
"si-sinong may gawa nito marie?"tanong ko sa kanya.
Umiling sya sabay sabing"hi-hindi ko alam, basta nalang bumagsak ang fire distinguisher at lumabas ang makapal na usok atsaka nawala ang ilaw, naramdaman nalang namin na may sumaksak sa amin."nanginginig na nagsalita si marie habang panay sa pagpatak ang mga luha.
"tu-tulong.."narinig namin ang familiar na boses ni ron, tinunton namin kung saan nag galing ang boses, napagalaman namin na nasa ilalim ng teacher stand ito, katulad ni marie, may natamo ding sugat sa balikat ito.
"ro-ron.."agad namin pinuntahan sya at dali daling inalalayan.
"sinpng may gawa nito sa inyo..mapapatay ko sya"naikuyom ko ang mga kamao ko habang pumapatak ang mga luha ko.
"wa-wait..hindi kaya si cindy?"napatingin ako kay chloe.
"di-diba wala sya ditto, baka tumakas sya?"si chloe.
Naikuyom ko ang mga kamao ko sa sinabi ni chloe.
"humanda ka cindy..humanda ka..mapapatay talaga kita"nanginginig ang mga kamay ko sa galit.
Cindy's pov..
Nang mawala ang makapal na usok sa loob ng class room, nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat dahil sina rain, shaina, michelle at iba kung mga kaklase ay nakahandusay sa sahig at wala ng buhay, ang putting pader ay napalitan ng kanilang dugo.

BINABASA MO ANG
Flash Drive
TerrorFlash drive.. Kung makakita ka ba ng flash drive sa daan, pupulutin mo ba? Paano kung ang flashdrive na nakita mo ay may lamang kahindik-hindik na video at hindi ka patutulugin sa gabi dahil palagi ka nyang dinadalaw gabi-gabi? Mag-ingat at baka gam...