FD 5

2.4K 82 1
                                    



FD 5

 

Nasa canteen ako ng mga sandaling ito,hindi parin mawala sa isip ko ang nangyari sa cr kanina at ang nakita kong nakasulat sa salamin,hanggang kanina ng bumalik ako sa classroom,hindi parin mawala sa isipan ko.

Sino si may sarmiento?

 

Naramdaman ko na may malamig na tubig ang bumuhos sa kaliwa kong balikat, napatingala ako, nakita ko si samantha kasama si cristy at michelle na nakatunghay sakin at naghalukipkip.

"umalis ka jan,pwesto namin jan?"sabi ni sam.

Nagpalinga linga ako,marami pa namang bakante ah.

"marami pa namang bakante,sam"ako.

"gusto namin jan..may angal!" naiinis nyang sabi.

"sige!"tumayo na ako at umalis.

Mas mabuti ng ganto,umiiwas para wala ng gulo. Kaya kong tiisin sila.

Tatalikod na sana ako ng may tumama sa likod ko.

"pulutin mo iyan..itapon mo kung saan ang pinanggalingan mo..hahhaha!"narinig kong sabi ni michelle at tumatawa silang tatlo.

Napabuntong hininga muna ako at pinulot ang plastic.

Habang pinupulot ko ito,naririnig ko ang mahina nilang pagtawa na para bang nanunukso.

Nagsimula ng bumuhos ang luha ko pero pinipigilan ko lang ito dahil ayokong Makita nila na mahina ako.

Pagkatapos kong pulutin, dali dali akong lumabas ng cafeteria at naisipang tumambay sa roof deck ng school.

Tinahak ko na ang daan patungong roof deck, ang tahimik dito, tanging mga yapak ko ang naririnig ko.

Nang Makita ko ang hagdanan patungong roofdeck,umakyat ako.

Pagdating ko duon,sumalubong sakin ang ihip ng hangin, naglakad ako patungong grills ng roofdeck.

Mula sa kinatatayuan ko ngayon tanaw ko ang lawak ng ravenhood high school.

Napabuntong hininga ako at malungkot na nakatanaw sa lawak ng ravenhood high school, tumulo ang luha ko,kung kanina mapipigilan ko pa,ngayon hindi na.nag uunahang tumulo ang mga luha ko at namalayan ko nalang ang sarili ko na umiiyak na pala ako. Ang sakit sa pakiramdam na hindi ka matanggap ng mga kaklase mo, binubully, pinapahirapan. Akala ko kaya ko,pero heto ako ngayon umiiyak,akala ko kaya ko ang kabayaran sa ginawa namin sa kanya, pero hindi pala.

"hindi ka ba nagsasawa?" napatigil ako sa pag iyak dahil narinig ko ang boses  lalaki na nagsasalita. Napalingon ako.

Hindi nga ako nagkakamali,isang lalaki ang nakasuot ng uniform ng ravenhood high school ang nakasandal sa pader,ang dalawang kamay ay nasa bulsa ng slacks at nakatingin sa malayo.kahit nakaside view sya, alam kong gwapo sya,ang tangos ng ilong nya.

"a-ako ba ang kinakausap mo?"mahina kong tanong,kahit alam kong ako ang kinakausap nya dahil wala naman ibang  tao dito maliban saming dalawa.

"bakit may ibang tao ba,maliban sayo?"hinarap nya ako,napanganga ako dahil hindi nga ako nagkakamali ang gwapo nya talaga.

Lumapit sya sakin at nagsalita.

"hindikaba nagsasawa na binubully ka nila,pinapahirapan?"napayuko ako sa tanong nya dahil ang totoo ay nahihirapan na ako.

"bakit mo alam?sino ka ba?"tanong ko habang nakayuko parin.

"alam kong nahihirapan ka na!bakit hindi ka nalang bumalik sa bulacan para ipagpatuloy ang pag aaral duon,kaysa naman.."hindi ko na sya pinatapos at nagsalita ako.

"wala akong balak..kaya kong magtiis"this time,nakatangin na ako sa kanya.

"hindi mo sila kilala..wala kang alam sa kanila..kaya mas mabuti pang umalis ka na dito baka ma..." pinutol ko ang sasabihin nya at nagsalita.

 

"bakit, kilala mo ako?hindi diba,wala kang alam sakin,wala kang alam sa buhay ko dun sa bulacan at sino ka ba,hindi kita kilala?"sabi ko sa kanya w/ cold voice, ang ayaw ko sa lahat ay inuunahan ako sa desisyon.

Narinig kong tumawa sya,napatingin ako sa kanya na nagtataka.

"bakit may nakakatawa ba sa sinasabi ko"naiinis ako sa kanya dahil para syang baliw,tumatawa ng bigla bigla eh..hindi naman nakakatawa ang sinasabi ko.

"hindi naman,im sorry..hahaha.hindi nga kita kilala at wala akong alam sayo..hhahahah"hindi parin sya tumigil sa pagtawa.

Arghh..naiinis ako sa kanya. Pinandilatan ko sya ng mga mata."baliw!"pagkuwan sabi ko,tatalikod nasana ako para umalis ng tawagin nya ako.

"sandali,im franz rodriguez..ikaw?"narinig kong sabi nya.

Lihim akong napangiti.

"cindy lou Vasquez!"tugon ko sa kanya w/ out turning my head at nagpatuloy sa paglalakad para umalis.

"pag gusto mong kausap,punta ka lang dito..hihintayin kita?"narinig kong sabi nya,napangiti ako sa sinabi nya. Nagpatuloy parin ako sa paglalakad..

END OF FD 5

 

 

NEXT FD 6è

 

 

Flash DriveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon