FD 24

1.6K 43 4
                                    




 

Cndy lou's pov..

 

Naglalakad ako sa madilim na pasilyo sa 4th floor ng ravenhood high school, ang tanging ilaw ko lang ay ang dala kong flashlight.

 

May naririnig akong tinatawag ang pangalan ko. Hinahanap ko ito pero hindi ko ito mahanap.

 

"cindyy..cindy.."paulit ulit nyang banggit ng pangalan ko.

Napatingin ako sa palikong pasilyo dahil nakarinig ako ng pagtakbo kaya dali dali akong tumakbo papunta duon.

 

dala ang flashlight na nagsisilbing ilaw sa aking paglakad, tinutok ko ang aking dalang flashlinght sa babaeng nakatalikod sakin, nakasuot ito ng uniform ng ravenhood high school. Umiiyak ito, sa tantiya ko dahil humihikbi sya.

 

Nilapitan ko sya at hinawakan ang balikat nya.nilingon nya ako. Laking gulat ko ng mapagtantong si may sarmiento pala ito. Napaatras ako at takot na takot.

 

"tulungan mo ako..tulungan mo akong hanapin ang katawan ko.."lumapit sya akin, ako naman  atras lang ng atras dahil sa takot. Nakakakilabot ang kanyang puting mata na may tumutulong dugo.

 

"ahhhhhhhhhhhhhhhhh"nagising ako sa masamang panaginip.  Napagtanto kong nakagapos pala ako pati ang paa ko dahil hindi ako makagalaw ng maayos. Naalala ko ang huling pangyayari kanina.

Si franz ang killer, hindi ako makapaniwal.

 

Nilibot ko ang paningin sa buong kwarto, madilim ang pinaglalagyan ko. Hindi parin mawawala ang sangsang na amoy sa loob ng kwarto. Andito parin ang dalawang bangkay na nakasabit sa pader. Sino kaya ito?baka ang mga magulang ni franz, di kaya sya din ang pumatay nito?

Nababaliw na sya? Baliw sya.

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto, inuluwa dito si franz na may buhat buhat na babae at si..

"marie!"bulong ko, hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. Bakit andito si marie? Kasabwat din ba sya ni franz? Naguguluhan ako.

Lumapit si franz sakin at binaba nya ang buhat buhat nyang babae sa tabi ko. nanlaki ang mga mata ko ng mapagtantong si Samantha ito.

Naghalungkat sya ng mga gamit dito sa kwarto habang si marie nakahalukipkip na nakatingin sa amin ni Samantha habang nakangisi. Nang makakita si franz ng lubid, agad naman sya bumalik at tinali si Samantha sap aa at kamay nito. Wala paring malay si Samantha habang tinatalian ni franz. Binalingan ko si marie na nakangisi parin.

"marie, anong ginagawa mo? Trinaydor mo ang kaibigan mo? Anong klase kang kaibigan?"sabi ko sa kanya garalgal na ang boses ko.

Tumawa lang sya at nagsalita.

"nagpapatawa ka ba cindy, hindi ko sya kaibigan. Isa lang ang kaibigan ko si may iyon at wala ng iba."nagulat ako sa rebelasyong iyon ni marie dahil sa pagkakaalam ko isa din ito sa nambully ka may sarmiento. Paano na maging magkaibigan sila. Naguguluhan ako.

Flash DriveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon