i dedicate this chapter to andreamanhilot dahil sa pagbabasa ng aking mga story at sa flood votes ng aking mga gawa. salamat ng marami, andreamanhilot..hehehehe..
==
Franz pov..
Pinarada ko ang aking kotse sa harap ng hospital kung saan nandito ang mga target ko. Bumaba na ako ng kotse at dumiretso sa loob, dala ko ang bag ko na may lamang kutsilyo. Tinungo ko ang kwarto kung saan maraming mga uniforme ng nurse. Nang makatapat na ako sa pinto, nagpalinga linga muna ako bago pumasok sa kwarto.
Pagdating ko dun, mabilis ang kilos kong naghalungkat sa mga gamit na naruon, nakakita ako ng isang kulay puti na uniforme at isang mask kaya dali dali ko itong sinuot pagkatapos kinuha ko ang stretcher na paglagyan ng mga medisina. May nakita akong dalawang fire extinguishier sa loob ng kwarto, agad ko itong kinuha at nilagay sa ilalim ng stretcher, hindi ito mapapansin dahil amy takip ito. Nang makaayos na at napagtantong para na akong isang tunay na nurse agad naman akong lumabas habang tulak tulak ang stretcher ng mga medisina.
-
Chloe's pov..
Andito kami sa ospital dahil dinala namin sina ron at marie dahil sa mga natamong sugat nila. Sabi ng doctor, hindi naman daw delikado ang mga sugat nila dahil hindi naman daw malalim ito pero to make sure dito muna silang dalawa. Swerte rin dahil nakakuha kami ng rooms for two para kina ron at Shaina.
"samahan mo naman ako, christy..iihi lang"narinig kong sabi ni marie, pumayag naman si cristy. Inalalayan nyang tumayo ang kaibgan at dumiretso ng banyo
Ako naman pasimple lang na nakaupo sa couch, katabi ko si Samantha. Napatingin ako kay sam,akala ko hindi kami mahalaga sa kanya pero sa nakikita ko kanina ng may tumawag sa kanya at nagtatakbo sya habang umiiyak na pagtanto kong mahalaga pala kami sa bruhang ito. Akala ko, puro kasamaan lang ang pinapairal nito pero nagkakamali ako may kabutihan din pala ang demonyang si Samantha Sandoval.
Napansin nyang nakatingin ako sa kanya dahil napalingon sya sakin at tinaasan ako ng kilay at nagsalita.
"why are you staring at me..?"naiinis nyang sabi.
"wala lang,akala ko puro kasamaan lang ang pinapairal mo pero nagkakamali ako may kabutihan din palang ang demonyang si Samantha Sandoval.."prangka kang sabi sa kanya parang naiinis sya dahil pinandilatan nya ako ng mga mata a tumayo at tinungo ang pinto.
"hui..saan ka pupunta mag wawalk out ka."tanong ko sa kanya.
Hindi nya ako pinakinggan dere-dereso lang itong tinungo ang pinto at lumabas at sinara na naman ulit.
Napailing nalang ako sa bruhang iyon. Nagawi ang tingin ko kay ron,may ka phone call ito para seryoso ang pinaguusapan nila dahil tinatabunan pa nga nya ang bibig nya ng kanyang kamay. Nakakainis naman itong si ron, ang tigas ng ulo sarap pukpukin. Kasasabi pa nga ng nurse na bawal igalaw ang kamay nya ,tawag ng tawag.. mapagalitan nga nitong pasaway na lalaki.
"hui..ron Estrada, napakatigas talaga ng ulo mo noh,diba nga sabi ng nurse na bawal igalaw iyang mga kamay mo..argh..akin na nga iyang cellphone mo, napakatigas ng ulo.."agad kong kinuha cellphone nya at inilagay sa bulsa ko. nagalit sya sa inasta ko.

BINABASA MO ANG
Flash Drive
TerrorFlash drive.. Kung makakita ka ba ng flash drive sa daan, pupulutin mo ba? Paano kung ang flashdrive na nakita mo ay may lamang kahindik-hindik na video at hindi ka patutulugin sa gabi dahil palagi ka nyang dinadalaw gabi-gabi? Mag-ingat at baka gam...