FD 21

1.5K 54 4
                                    




 masasagot na ang mga katanungan sa chapter na ito. marereveal na kung sino ang pumapatay..


handa ka naba?


kaya mo bang tanggapin na sya pala ang pumapatay?





===


"cindy, ikaw ba talaga ang pumatay sa kanila."isang malakas na preno ang ginawa ko, nahinto ang kotse at napatingin ako sa seryoso nyang mukha..

 

"Pa-paano mo nasabi iyan?"mas lalo akong kinakabahan sa sinabi nya, nauutal na ako hindi ko malaman aking gagawin kahit ako hindi ko alam sa  mga binbintang nila sakin kung totoo ba ang mga bintang nila sakin o hindi.

"sinabi kanina ni shaina, na ikaw daw ang pumatay kina Rowena..totoo ba ang mga bintang nila..cindy..sumagot ka?"ang seyoso nyang mukha ang lubos na nagpakaba sakin, walang salitang lumalabas sa aking bibig kundi bigla nalang pumatak ang mga luha ko.

Natuon ang pansin ko sa side mirror na nasa gilid ni franz. Mula sa repliksyon ng salamin, nakita ko  na may nakaupo sa backseat. Nagsimula na naman akong kabahan dahil napalingon ako sa likod pero walang tao, binalik ko na naman ang tanaw ang side mirror, may taong nakaupo. Unti-unting nagging malinaw sakin ang taong iyon, nanlaki ang mga mata ko at bumalot ang kilabot sa buo kong katawan ng mapagtantong sya, suot parin nya ang gutay na uniporme ng ravenhood high school at ang mga mata nyang kulay puti na may umaagos na dugo ay titig na titig sa mga mata ko, mas kinilabutan ako ng may sumilay na ngiti sa kanyang mga labi.

Dahil sa takot ko napapikit ako habang naginginig ang mga kamay ko dahil sa takot sa nakita ko.

"ci-cindy, anong nangyari sayo..?" narinig ko ang boses ni franz, unti unti kong minulat ang mga mata ko at napatingin sa side mirror sa gilid nya wala na sya, wala na sya sa backseat.

"cindy..inuulit ko, ikaw ba ang pumatay sa kanila?"ngayon napalakas na ang boses ni franz at hawak hawak nya ang magkabilang braso ko.

Mabilis akong umiling.."hi-hindi ko alam,wala akong kinalaman sa pagkamatay nila..maniwala ka sakin..wala akong alam?"napaiyak na ako.

Narandaman ko na maluwag na ang pagkakahawak nya sa braso ko at narinig ko ang pagbuntong hininga nya

" im..sorry..hindi ko sinasadya..tahan na..naniniwala na ako sayo.."hindi parin ako tumigil sa kaiiyak, humahagulhol ako ng iyak.

"ok..ako na ang magmamaneho.."lumabas sya at pumwesto sya sa driver seat, ako naman nanginginig parin akong lumipat sa inuupuan nya. Hindi parin mawala sa isipan ko ang mukha ni may na na nakatunghay sakin habang sumilay ang ngiti sa mga labi nya.

Nagsimula ng magdrive si franz, pero wala parin akong imik nakatingin lang ako sa labas. Hindi parin mawawala ang panginginig ko dahil sa takot at walang tigil sa pagpatak ang aking luha. Kaya ako nagkaganun hindi dahil sa pagbibintang ni franz sakin, kundi nakita ko nanaman sya ulit. Bakit ba parati ka nalang nagpapakita sakin?

Flash DriveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon