FD 19

1.5K 55 4
                                    



SHAINA'S POV.

 

Andito kami sa classroom, nagkwekwentuhan kasama ang mga kaklase ko maliban kina Samantha, Christy, chloe at cheska na pumunta sa gym  at sa killer na si cindy. Noon paman hindi naming gusto si cindy dahil sa kanya nawala si russel, I really hate her dahil nawaa ang best friend ko dahil sa kanya. Napakawalanghiya nya talaga, pinatay nya pa sina Rowena.nanggigil ako sa pagmumukha nya.

"naniniwala ka bang si cindy talaga ang pumatay kina Rowena?"narinig kong sabi ni ron.

Agad naman akong tumalima.

"walang duda, ron..totoo ang sinabi ni sam..hindi pa ba sapat ang ginawa nating pagpapahiya sa kanya noong nakaraan.."galit na galit kong sabi.

"pero Shaina..wala tayong ebidensya para pagbintangan natin sya agad.."sumulak ang dugo ko ng marinig ko ang panig nya. Nanlilisik ang mga mata kong humarap sa kanya.

"kung hindi sya.. sino? Ikaw ba ang pumatay?"nagulat sya sa sinabi ko, alam ko na nagbibiro lang ako pero malay natin totoo ang biro ko dahil bakit nasa panig sya ni cindy.

"hindi ah..bakit ko naman sila papatayin?"si ron.

Ngumiti ako sa kanya at biglang tumawa.

"hahahahaha..nagbibiro lang ako.."

"sayang no..hindi na natin makakasama sina rodolph sa sa graduation, next year"nanghihinyang na sabi ni cy.

"oo nga eh..pumunta ka na ba sa kanila?" tanong ni rindell

"hindi pa nga eh..punta tayo mamaya kina rodolph, pagkatapos kina Philip."si rain.

"oh sige ba..anong oras at saan?"sagot namin.

Naputol ang pagkwekwento namin ng pumasok siya. Ang walang hiyang killer ng mga kaklse ko.

Didiretso na sana sya sa kanyang upuan ng nagpaparinig ako, napahinto sya.

"ang kapal naman talaga ng isang iyan, may gana pang pumasok kunsabagay para hindi sya pinaghihinalaan na sya ang pumatay kina Rowena..hindi ba guyz.."habang nagpaparinig ako tumingin talaga ako sa kanya para malaman nila kung sino ang pinupunterya ko.

Kahit hindi ko nakikita ang ekspresyon ng mukha nya alam kong nagpipigil lang ito dahil sa pagbuntong hininga nito. Lumingon sya at hinarap kami.

Kami naman nina michelle, at marie nakahalukipkip kami habang nakatitig sa kanya na may ngiti sa mga labi.

"ano bang problema mo Shaina?"sabi ko na ng aba, nagpipigil lang sya.

"ikaw ang problema ko.."mabilis ang lakad ko patungo sa kanya at sinugod sya, tinulak ko sya ng malakas at malakas din sya namudmud sa sahig.

Flash DriveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon