FD 16

1.6K 51 1
                                    




FD 16

CY CORPUS POV..

"kring.. kring..kring"naalimpungatan ako sa pagtulog ng may tumawag sa telepono na nakalagay sa side table ng kama. Kahit antok pa,inabot ko ang reserver habang nakahiga at sinagot.

"hello!"papungay-pungay pa ang mata ko na nakadapa sa kama ko.

"cy, its me rindel..wala na daw si rodolph"napabangon ako sa ng di oras, nawala ang antok ko sa balita ni rindel.

"ano?"gulat na gulat ako sa balitang iyon. Noong bernes ng gabi si Rowena, sa sabado ng gabi si Philip, kagabi si rodolph na naman. Kinakabahan ako dahil feeling ko section naming ang tinatarget ng killer dahil kaseksyon ko ang tatlong namatay. Ang ipinagtataka ko lang kung bakit alam ng killer na magkaklase kami so ibig sabihin kami ang pinupunterya ng killer?ang tanong, sino naman ang pumapatay?

"hello..andyan ka pa ba cy?"nagulat ako ng biglang nagsalita si rindell sa kabilang linya. Nakalimutan ko, magkausap pala kami sa telepono.

"huh..huh..oo,andito pa ako"tugon ko.

"hindi ka ba papasok ngayon dahil parang antok pa ang boses mo huh"

"papasok,anong oras na ba?"

"6:30 na tol..late kana..pambihira"nagulat ako sa sinabi nya, 6:30 na pala. Para makapanigurado, kinuha ko ang alarm clock na nasa side table at tiningnan. Laking gulat ko na totoo pala na 6:30 na kaya dali dali akong pumunta ng banyo at naligo pagkatapos magbihis at lumarga na. hindi na ako nagalmusal.

==

Naglalakad na ako sa pasilyo ng school papuntang classroom ng may tumawag sa pangalan ko.

"hui! Cy.."paglingon ko nakita ko si rindell nakangiti.

"pambihira ka naman cy, kanina..binabaan mo ako ng telepono huh.."sabi nya sakin

"sorry bro..nagmamadali kasi..by the way, totoo ba ang balita mo kanina tungkol kay rodolph" nang banggitin ko si rodolph biglang nalungkot ang mukha nya at tumango.

"bakit daw? Bakit sya namatay?"may pag alala sa boses ko.

"nakita nalang daw sya kaninang umaga sa lumang bahay malapit sa resto bar. Wasak ang mukha nya"pagbabalita ni rindel sa kanya.

"ano?"nagulat ako sa ibinalita nya, sino kaya ang gumawa nit? Tatlo na ang nawala sa section naming so ibig sabihin section naming ang pinuponterya ng killer pero anong motibo nya?

Tumango ito at nagpatuloy"ang masaklap, hindi matukoy kung sino ang may gawa ng karumal-dumal na krimen."

natigil kami sa paguusap ng marinig namin ang boses ni samantha, tila galit na galit ito. Nagkatinginan kami ni rindell, parang nahinuha nya ang iniisip ko kaya nagsitakbuhan kami patungong classroom dahil doun nanggaling ang boses ni samantha.

"ikaw ang pumatay kina rowena.."nadatnan namin ni rindel na nagwawala si samantha habang kaharap nya si cindy na magulo ang buhok nito. Sa tantiya ko nagkasakitan na ang dalawa.

"wa-wala akong alam sa mga pinagsasabi mo samantha. Hindi ako ang pumatay kina rowena? May ibendensya ka ba?"

"mamatay tao ka!"sigaw ni samantha sa kanya. Nagulat ako sa naging reaction ni cindy dahil bigla itong umatras at tila takot na takot nang sabihan ito na mamamatay tao at biglang tumakbo.

Hindi kaya siya ang pumatay kina rowena? Baka gumanti sya sa pambubully namin sa kanya?

==

cindy lou's pov..

"mamatay tao ka!" napatigil ako sa pagiyak ng sabihin ni samantha ang mga katagang iyon. Napaatras ako bigla dahil naalala ko na naman ang kasalanan ko kay kaira para matabunan ang guilt ko agad akong kumaripas ng takbo. Hindi man ako ang pumatay kina rowena,rodolph at philip pero matatawag din akong mamatay tao dahil sa kasalanan namin nuon. Nilukob ako ng hiya, guilt at takot na baka isipin nila na ako talaga ang pumatay sa kanila.

Namalayan ko nalang ang sarili ko na pumasok ako sa cr at nilock ang pinto at nadatnan ko ang mga cubicle na nakabukas at pumasok ako sa panghuling cubicle at sinara. Napaupo ako sa sahig at napayakap ako sa aking tuhod habang nanginginig sa takot.

"hindi ako ang pumatay sa kanila pero mamamatay tao ako.."iyak ako ng iyak habang nangingig sa takot para akong baliw na wala sa sarili.

Naalala ko ang nangyari kaninang umaga pagkagising ko. Hindi kaya,ako talaga ang pumatay sa kanila,

dahil sinasapian nya ako.

Nanlaki ang mga mata ko sa naisip.

END OF FD 16

NEXT FD 17



guyz, this is the short UD lang muna..hehehehe..


hehehe..pacensya ang lame ng chapter nato..


hehehehe...tnx ng marami sa pagsupurta

Flash DriveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon