FD 18

1.6K 54 1
                                    




Cindy lou's pov..

 

Tinanggal nya ang kanyang mascara pero hindi ko Makita ang mukha nya dahil nakatalikod sya sakin.

Nagulat ako dahil biglang nagbago ang lugar, nandito na naman ako kung saan ako narito kanina sa cubicle, nakaupo sa sahig at gulat na gulat sa mga nalamang dahilan kung bakit namatay si May. Ang ipinagtataka ko lang,sino ang pumatay ky May.

Nasa malalim akong pagiisip ng biglang nagpatay sindi ang ilaw sa loob ng cr. Napatingin ako sa ilaw, sumidhi na naman ang takot na nararamdaman ko dahil alam kong andito naman sya, nararamdaman ko, nakamasid.

Biglang umihip ang hangin sa loob at nag sarado, bukas ang pintoan ng mga cubicle pati narin sa kinaruruonan  ko. rinig ko ang lakas ng sarado bukas nito, napatingin ako sa labas dahil ang pintuan ko ay nagsarado bukas. Sa bawat pagbukas ng pinto nakikita ko syang nakatayo dun, maputla ang mukha, gutay gutay ang suot na uniform at may mga mantsa pang dugo, ang mga puti nyang mga mata na may umaagos na dugo ang syang nagpapatindig ng balahibo ko. pinikit ko ang aking mga mata dahil sa takot at hindi ko mapigilan ang umiyak. Mas lalo ko pang siniksik ang sarili ko sa pader at napayakap ako sa tuhod ko ng mahigpit.

"tigilan muna ako..wala akong maitutulong sayo.."sigaw ko sa kanya habang nakapikit ang mga mata.wala akong balak imulat ito dahil baka sa pagmulat ko makikita ko na naman sya.

Mas lalong lumakas ang pag sarado bukas ng mga pinto ng cubicle.

Mas lalo akong napaiyak at tinakpan ko na lang ang tenga ko sa dalawa kong kamay para hindi ko marinig ang mga pagsarado bukas ng mga pintuan.

Narinig ko ang iyak nya, lumalakas ito alam kong andito na sya sa harapan ko at nararamdaman ko ito. Hanggang ngayon nakapikit parin ako dahil sa takot sa kanya. Naamoy ko na nakasulasok na amoy nya. Nanginginig parin ako hanggang ngayon.

Naramdamam ko na tahimik na ang paligid, na wala na ang ingay ng mga pintuan. Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata. Pero nagsisisi ako kung bakit ko pa ito imunulat dahil sa pagmulat ko nakita ko sya na nasa harapan ko, nakikita ko na naman ang puti nyang mga mata at umaagos roun ang dugo.

"ahhhhhhhhhhhhhhhhhhh"dahil sa takot ko, napasigaw ako ng malakas.

Samantha's pov.

Sinisi ko si cindy dahil sya lang naman ang may gawa nito kahit wala akong pweba. Para sakin sapat na ang ginawa naming pagkapahiya sa kanya noong nagyakapan sila ni franz para gawin nya iyon.

"lahat ng estudyante sa ravenhood high school, pinahintulutan ko kayong pumunta sa gymnasium para ganapin ang prayer para sa mga kaluluwa nina Rowena zach,Philip lee at rodolph cruz."narinig naming sa intercom.

Mula sa labas, tanaw ko ang mga estudyanteng lumabas mula sa kani-kanilang mga classroom para pumunta sa gymnasium para mag alay ng dasal sa namayapa naming kaklase na pinatay ni cindy.

Flash DriveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon