FD 15
CINDY LOU'S POV..
Hanggang ngayon di parin ako maka get over sa ginawa ni franz sakin kanina. Kinuha ko ang alarm clock na nasa side table para tingnan ang orasan para malaman ko kung ilang oras naba akong tulala ditto at hindi makatulog dahil si ginawa nyang paghalik sakin.
Sheyt! 11 na pala. Ibig sabihin 4 hours akong nakatunganga ditto. Gusto ko ng matulog dahil may pasok pa bukas.
Naisipan ko ng humiga, hihiga na sana ako ng may marinig akong danguynguy ng iyak, alam kong nasa kwarto ko lang ang iyak na iyon dahil malakas ang dinig ko. Nagpalinga linga ako, kinakabahan na ako dahil wala akong kasama sa kwarto, magisa lang ako ditto. Sino ba namang hindi matatakot at kilabotan sa sitwasyon ko.
Nakiramdam ako sa paligid at pinakinggang mabuti ang iyak na iyon. Biglang umihip ng malamig na hangin, napayakap ako sa sarili ko dahil sa lamig. Palakas ng palakas ang danguy nguy ng iyak na tila nanggaling sa lupa mas lalo akong nanghilakbot. Ang ginawa ko, dali dali akong nagtalukbong ng kumot at duon nakiramdam, hindi ako kumilos, nanayo na ang balahibo ko dahil sa takot. Napaluha na ako at napahigpit ang pagkahawak ko sa kumot at nagusal ng dasal.
Nanlaki ang mga mata ko ng biglang may pumasok sa kumot ko, naramdaman ko talaga na naangat ito at laking gulat ko ng mapagtantong siya ito. Sya, ang gumugulo sakin gabi-gabi, si may sarmiento. Maputla parin ang mukha nito habang nakatotok sakin ang kulay puti nyang mga mata na may umaagos na sariwang dugo.
"ahhhhhhhhhhhhhh"hindi ko na mapigilan ang mapasigaw dahil sa kilabot.
==
Rodolph cruz pov..
Andito ako sa bar, naglalasing dahil sa walang kwenta ang ina ko, kung hindi sya nag asawa ng sugarol hindi nakandaletse-letse buhay ko, buhay naming dalawa. Simula ng mamatay si papa wala na syang pakialam sakin, dun na sya sa kanyang kalaguyo na sugarol. Naalala ko tuloy ang huling away namin ni mama ngayong araw nato.
Flash back.
Kagagaling ko lang kina Philip dahil nabalitaan kong wala na sya. Oo wala na si Philip, natagpuan nalang daw sya kaninang umaga na wala ng buhay sa kotse nya at wasak pa ang bungo. Noong isang araw si Rowena, ngayon si Philip, sino ba kasi ang gumawa sa kanila noon, napakawalanghiya at brutal pa ang pagkamatay nila.
Papasok na sana ako sa loob ng sinalubong ako ng sampal ng walanghiya kong ina.
"nasaan ang pera ko, rodolph, ibalik mo?"nanginginig na ito sa galit. Alam ko kung sino ang kumuha ng pera kaya napangisi nalang ako at tinitigan ang kalaguyo nya na nanunukso na nasa likuran nya.
"bakit hindi mo tanungin ang magaling mong kabit huh"sabi ko sa mgaling kong ina habang tinititigan ang mata ng magaling na kalaguyo nya.

BINABASA MO ANG
Flash Drive
HororFlash drive.. Kung makakita ka ba ng flash drive sa daan, pupulutin mo ba? Paano kung ang flashdrive na nakita mo ay may lamang kahindik-hindik na video at hindi ka patutulugin sa gabi dahil palagi ka nyang dinadalaw gabi-gabi? Mag-ingat at baka gam...