FD 7
Humahangos akong nagising sa ikalawang pagkakataon,so ibig sabihin,dalawa akong nanaginip.
Napasabunot ako sa buhok ko at pinagpapawisan ng malapot sa noo.
Shit! Bumabalik na naman ang ala ala na gusto kong kalimutan.
Nagpalinga-linga ako sa paligid,maaliwalas na ang paligid,ang sinag ng araw ay lumulusot sa siwang ng bintana.
Napatingin ako sa alarm clock na nasa side table,6:00 na pala,kailangan ko pang maghanda para sa pagpasok ko sa school,dali dali akong tumayo at kinuha ang towalya na nakasabit sa pako sa dingding at dali daling pumunta ng cr.
Pinaandar ko ang shower at bumuhos sa aking katawan ang malamig na tubig. Sa bawat pag buhos ng tubig sa katawan ko,naalala ko ang nakaraan.
naglakad lakad ako sa puting buhangin malapit sa dagat na nagiisa. Sabi ng teacher namin,makabubuti dawsa amin ang pag bakasyon dito sa isla veranda na pag mamay ari ng kaklase namin na si spencer para daw mawala ang pangamba namin at takot na mamamatay kami isa-isa. Oo,pinapatay kami isa-isa pero hindi namin kilala ang killer magaling syang magtago sa mascara nya.
Nang mapagod ako sa paglalakad naisipan kong pumasok na sa rest house nila spencer.
Pagbukas ko ng pinto,nanlaki ang mga mata ko at nagimbal sa nakita ko dahil sina fretsy at cobi ay nakaupo sa sofa na walang ng buhay at may pana sa gitna ng kanilang mga noo,tumutulo ang sariwang dugo na tinatamaan ng pana at dilat ang kanilang mga mata.
"hui..cindy..ano bang ginagawa mo jan?kanina ka pa ah..pambihira malalate kami sayo"naputol ang pag iisip ko ng makarinig ako ng lakas ng katok at bulyaw galing kay mae meranda,isa sa kaboardmate ko dito. Naalarma ako at dali daling ini off ang shower at dali daling binalot ang twalya sa katawan ko at binuksan ang pinto.
"so-sorry!"hingi kong paumanhin at lumabas ng banyo.
"sorry sorry ka pa jan..tsk.."naiinis nyang sabi,napayuko ako at dumiretso ng kwarto para magbihis. Pagkatapos kong magbihis,dumiretso na ako sa school.
Gaya ng kinaugalian,naglakad ako patungong school.
Habang naglalakad ako, hindi ko maiwasang isipin ang panaginip ko kagabi.
Bakit muli na naman syang lumalabas sa panaginip ko.ano ba ang gusto nya, pinagbabayaran ko na ang mga kasalanan namin sa kanya diba? Napatay na ng kuya nya sina fretzy,nagbago na ako..
May namuong takot saking dibdib sa aking naisip.
"patay na sya,patay na si kaira.. panaginip lang iyon..wala iyon..ok..calm down..cindy.."bulong ko sa sarili para mapanatag ang kalooban ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang nakarating ako sa gate ng school.

BINABASA MO ANG
Flash Drive
رعبFlash drive.. Kung makakita ka ba ng flash drive sa daan, pupulutin mo ba? Paano kung ang flashdrive na nakita mo ay may lamang kahindik-hindik na video at hindi ka patutulugin sa gabi dahil palagi ka nyang dinadalaw gabi-gabi? Mag-ingat at baka gam...