Nagising ako sa sinag ng araw na dumapo sa mukha ko na nagmula sa bintana.
Kinusot ko ang aking mga mata at lumiyad para ma stretch ang mga buto ko sa likod.
Napabuntong hininga ako at inisip ang nangyari kagabi, nalukob ako ng takot ng maalala ko ang nangyari. Pinilig ko nalang ang ulo ko para hindi ko na iyon maalala at lumabas ng kwarto at dumiretso sa banyo.
Thanks god,ako ang unang nakapasok sa banyo pag nagkataon malalate na naman ako.
Pumasok na ako sa banyo at naligo,pagkatapos pumunta na ako sa kwarto at nagbihis. After magbihis umalis na ako. Nakasanayan ko ng hindi kumakain pag agahan at duon na kumain sa cafeteria.
Naglakad ako patungong school, naisip ko kung sino ang studyanteng babae kagabi na nagpapakita sakin na nakasuot ng ravenhood high school uniform.
Lakad..lakad..lakad..
Andito na naman ako sa school,ang school na nilagay ako sa impyernong buhay pero titiisin ko sila dahil alam ko na hanggang sa pambubully lang ang kaya nila hindi sila katulad ko,namin na makasalanan.
Pagpasok ko sa gate ng school,dumiretso na ako sa class room ko. pagdating ko duon,nakita ko na naman sila,ang kaklase kong walang ibang gawin kundi pagtripan ako.
Nakatingin sila sakin, pumasok ako ng room at dali-daling pumunta sa chair ko,napatigil ako ng nagsalita si Samantha.
"hey,you.akala namin..hindi ka na babalik dito,magpaparty sana kasi kami,kaya lang andito ka.at nangangarap na tanggapin namin.no way..ever!"narinig ko ang pagtawa nila,tila nanunukso. Ayoko ng away kaya hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.
"how dare you!cindy..kinakausap kita..hwag mo akong talikuran..bastos ka huh!"naramdaman ko na lang ang kamay nya hinahawakan ang braso ko ng mahigpit.
Agad ko namang winaksi at nagsalita."ano ba,Samantha..nasasaktan ako.."nagkandaiti ako sa sakit,malakas si Samantha kaya hindi ko nawaksi ang kamay niya sa braso ko.
Nakita ko na may sumilay na ngiti sa mga labi nya.
"ah..nasasaktan..ka,,mas mabuti nga yan eh..para umalis ka na dito..at ibalik na sa amin si russel.."mas hinigpitan pa nya ang hawak nya sa braso ko at diniinan nya ang mga salita nya parang gigil na gigil sya na saktan talaga ako at tinulak nya ko. namudmud ako sa sahig.
Nakatunghay sila lahat sakin,nakahalukikip.
Bumuhos na ang luha ko at nagsalita.
"ano ba?bakit hindi nyo ako matanggap..kahit anong gawin nyo..wala na kayong magagawa hindi na mababalik dito si russel.."dahil sa galit ko nasabi ko yon,sobra na eh..sobra sobra na.
"lumalaban ka na huh!sino ba ang pinangmamalaki mo huh..?" galit na sabi ni rain,sinapak nya ako sa ulo,malakas.

BINABASA MO ANG
Flash Drive
TerrorFlash drive.. Kung makakita ka ba ng flash drive sa daan, pupulutin mo ba? Paano kung ang flashdrive na nakita mo ay may lamang kahindik-hindik na video at hindi ka patutulugin sa gabi dahil palagi ka nyang dinadalaw gabi-gabi? Mag-ingat at baka gam...