i dedicate this chapter to yhannz dahil katulad ni chelseaddelacruz nakakainspired ang mga msg mo msg box q..hehehehe...
mukhang napapadalas ang update q dito ah..hehehe..anyway..
enjoy'reading.
===
FD 10
Marie's pov..
"MAY KINALAMAN BA KAYO SA PAGKAMATAY NI MAY SARMIENTO?"bumalot ang kilabot sa buong katawan ko, hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, nanginginig ang buong katawan ko dahil sa tension at kaba. Naramdaman kong lumapit sya sakin.
"sagutin mo ako marie? Bakit nanginginig ka, kung sabihin mong wala kayong kinalaman?" tanong nya sakin.
"kung mayron man,hindi ko sasabihin sayo,.." matigas kong sabi kahit ang totoo ay takot ang bumalot sakin, takot na baka masabi ko sa kanya ang totoo.
"tama nga talaga ang hinala ko marie, may kinalaman kayo sa pagkamatay ni may sarmiento!" sabi nya habang iniikotan ako samantalang ako walang balak umalis sa kinatatayuan ko dahil hanggang ngayon walang balak umalis ang paa ko palayo sa kanya.
"anong pakialam mo!"sabi ko at sa wakas nangkaroon din ng lakas ang mga paa ko na humakbang palayo kay cindy lou.
Nakakatakot, nakakapangilabot, iyan ang nararamdaman ko kay cindy ngayon. Malayo na sya sa cindy na inaapi namin noon. Bakit ba napaka pakialamera nya? At bakit inuungkat pa nya ang alaala ng nakaraan.
Cindy lou's pov..
Naiwan akong mag isa sa likod ng building at tinatanaw ang paglayo ni marie. Tama nga talaga ang hinala ko may kinalaman sila sa pagkamatay ni may pero paano? Sila baang pumatay? Anong motibo nila? Maraming mga katanungan ang umuukupa sa utak ko.
All I need to do is to know behind the may sarmiento's death? Who's the killer? Kailangan kong malaman kung sino ang pumatay sa kanya? Saan ako magsisimula? Alam ko na kay franz rodriguez, tama, sa kanya dahil ito lang ang susi para malaman ko ang totoo kung bakit sya namatay dahil una sya sakin.
Dali dali akong umalis para puntahan si franz sa roof deck.
Nakita ko syang nakatalikod sakin at tinatanaw ang laki ng ravenhood high school.
"franz"tawag ko sa kanya agad naman syang lumingon. Nilapitan ko sya at walang liguyliguy na tinanong.
"franz, may kinalaman ba ang section 3-A sa pagkamatay ni may sarmiento?"nagulat sya sa tanong ko, inaasahan ko na iyan.
"ba-bakit mo naitanong?"nauutal nyang sagot sa tanong ko.
Huminga muna ako ng malalim at humawak sa railings at nagsalita.
"bakit? Paano kung sasabihin ko sayo,nagpapakita sya sakin? Maniniwala kaba?" napaatras si franz dahil sa gulat.
"na-nagpapakita sya sayo?"ulit nyang tanong sakin.shit franz, hindi..kailangan pa bang iulit ang tanong ko..arghh..ang slow mo talaga franz.
Tumango ako at nagsalita. " oo franz, gusto kong malaman? Alam kong may alam ka?"nagmamakaawa ako sa kanya.
"bakit mo pa gustong ungkatin ang matagal ng nakabaon sa limot,cindy"matalinghaga nyang sabi.

BINABASA MO ANG
Flash Drive
HororFlash drive.. Kung makakita ka ba ng flash drive sa daan, pupulutin mo ba? Paano kung ang flashdrive na nakita mo ay may lamang kahindik-hindik na video at hindi ka patutulugin sa gabi dahil palagi ka nyang dinadalaw gabi-gabi? Mag-ingat at baka gam...