FD 13
Cindy lou's pov..
sa video
ang makikita mo ay makakapal na usok sa paligid pero maririnig mo ang boses ni Rowena zach na sumisigaw na parang naghihingalo.
"ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh"sigaw nya pero wala kang makikitang tao sa paligid dahil puro puting usok ang makikita mo.
"ahhhhhhhhhhhhh..tama na..."muling sigaw nya sa background ng video camera.
Unti-unitng nawala ang usok at tumambad ang kakilakilabot na nangyari kay Rowena zach. Wasak ang mukha,halos di na makilala dahil puno ng saksak ang mukha nito, puno ng sariwang dugo ang mukha na pumapatak pa sa sahig ang dugo nya. Nagkalat sa sahig ang dugo,pati narin sa dingding,sa kama ng kwarto nya. At makikita mo sa video camera ang nakasulat sa dingding na sinulat gamit ang dugo ni Rowena zach..
Revenge of may sarmiento..
Matapos kong tingnan ang laman ng flash drive na nakita ko sa noo ni rowena, napaluha ako dahil sa awa sa kanya. Sino ba sya? Sino ba ang walang awang pumatay sa kanya? Alam kong konektado ito sa pagkamatay ni may sarmiento dahil ang video na nakita ko noon sa flash drive na napulot ko ay parehong pareho sa laman ng flash drive na nakita ko ngayon. By the way, andito na nga pala ako sa boarding house, kung tatanungin nyo ako kung bakit ako nakauwi dito.ok pagbibigyan ko kayo, ikwento ko kung bakit ako nakauwi dito. Heto na!
Flash back.
Nang makalapit na ako sa kanya, pinagmasdan ko syang mabuti. May napansin akong bagay sa noo nya, alam kong sinadyang ilagay ito dahil base sa pagkatusok nito lumubog ang bagay na yun sa noo nya. Dahil sa curiousity ko, dahan dahan kong kinuha ito, napangiwi ako ng hilahin ko na dahil may mga laman pang kasama ito, ito ay isang FLASH DRIVE?
Nakarinig ako ng bakas ng mga paa na patungo sa kwarto ni rowena, sa tingin ko mga pulis ito. Isinid ko sa bulsa ang flash drive at dali daling tumalon sa bintana.
"ano na, may nakita ka ba?"bungad sakin ni franz paglapag ko sa lupa. I doubted kung sasabihin ko ba sa kanya ang nakita ko o ipagpaliban ko nalang muna,tsaka na siguro kung makita ko na ang laman nito.
"ha-halika na!"pagkaraan sabi ko,ayoko munang sabihin sa kanya ang nakita ko dahil gusto ko ako muna ang makadiskobre nito,tsaka ko na sasabihin sa kanya kapag nakita ko na ang laman ng flash drive.
End of flashback
Hindi ko muna ito sasabihin kay franz, mag iimbestiga muna ako ng solo dahil ayoko syang madamay ditto.
===
BINABASA MO ANG
Flash Drive
رعبFlash drive.. Kung makakita ka ba ng flash drive sa daan, pupulutin mo ba? Paano kung ang flashdrive na nakita mo ay may lamang kahindik-hindik na video at hindi ka patutulugin sa gabi dahil palagi ka nyang dinadalaw gabi-gabi? Mag-ingat at baka gam...