Kinabukasan laman na ng balita ang nangyaring massacre sa ravenhood high school, maging sa hospital ng pinangyarihan ng massacre at ang nakitang bangkay sa abandonadong cr.
"isang massacre ang naganap kahapon sa ravenhood high school, bandang alas 8 ng umaga. Kinikilala ang bikitima na sina rindell morales, cy corpus, rain reyes,Miguel Salvador, michelle santos at shaina roa,na hindi pinalad na makaligtas. Ang nailigtas sa massacre ay sina cheska luo ruiz, Samantha Sandoval, Christy delos reyes, chloe santos,cindy lou Vasquez at ron Estrada ang ilan sa kanila ay hindi rin pinalad na makaligtas dahil sinundan sinundan sila ng killer sa st carmel hospital. Mukhang ang section nila pinupunterya ng killer.ang pinalad na mabuhay ay sina Samantha Sandoval at cindy lou Vasquez. May nakita ring bangkay sa abandonadong cr ng ravenhood high school, kinikilala ang bikitma na si may sarmiento."
Nanunood si russel rivera ng tv, nang lumabas ang balita na may massacre na naganap sa kanyang dating skwelahan at ang mga biktimang kinikilala ay ang mga dati nyang kaibgan.
Napatigagal si russel na nakaupo sa salas ng boarding house na pinalalagian nya, unti-unting pumatak ang kanyang mga luha sa nalamang balita.
Nakarinig sya ng doorbell sa labas. Pinahid muna nya ang kanyang mga luha bago tumayo at tinungo ang pintuan. Binuksan nya ang pinutan at tinungo ang gate, pagbukas nya ng gate.
May taong nakatayo sa kanyang harapan, hindi nya Makita ang mukha nito dahil nakasuot ito ng black na hoddie.nakaramdam sya ng takot dahil magisa lang sya ditto sa boarding house dahil ang caretaker na si aling magda ay hindi parin umuuwi until now. Nanlaki ang mga mata ni russel nang hinablot ng lalaki ang kutsilyo na nakasuksuk pala sa kanyang tagilran.
Napaatras sya dahil sa kaba.
"long time no see, russel"pagkasabi nang lalaki agad syang sinaksak sa tyan, naramdaman nya ang sakit at hapdi. Mas diniinan pa ng lalaki ang pagsaksak, napaungol sya dahil sa sakit. Hindi na nyang magawa ang sumigaw dahil wala ng lumalabas na tinig sa kanyang lalamunan dahil sa sobrang sakit na nararamdaman. Lumabas na din ang dugo sa kanyang bibig at unti-unting nanghihina si russel at nawalan ng malay.
Nakangiting nakatunghay si franz sa katawan ni russel na nakatihaya sa damuhan at pagkaraan ng ilang Segundo ay tumalikod na ito at naglakad na parang walang nangyari.
The end!
![](https://img.wattpad.com/cover/36147701-288-k743073.jpg)
BINABASA MO ANG
Flash Drive
KorkuFlash drive.. Kung makakita ka ba ng flash drive sa daan, pupulutin mo ba? Paano kung ang flashdrive na nakita mo ay may lamang kahindik-hindik na video at hindi ka patutulugin sa gabi dahil palagi ka nyang dinadalaw gabi-gabi? Mag-ingat at baka gam...