FD 3

2.9K 114 4
                                    

Gabi na ng umuwi kami ni maya galing sa mall, I enjoy her company. Nanuod kami ng sine, kumain at nagshopping. Binilhan nya pa nga ako eh.

“im so tired,cindy..salamat sa pagsama mo sakin, I enjoy your company cin!”masayang sabi ni maya sakin habang paakyat na kami ng hagdan patungo sa mga kwarto namin.

“Thanks nga pala nito huh.hehehehe...”sabi ko

“ok..no problem,next time naman huh..”aniya habang sinusuot ang susi sa doorknob,ng mabuksan na nya ito agad naman itong pumasok at nilock ang pinto.

Tinungo ko na din ang kwarto ko, kinapa ko ang susi sa bulsa ko at ng makapa ko na kinuha ko ito at sinuot sa doorknob. Nang mabuksan ang pinto agad naman akong pumasok at sinara ang pinto.

Inilagay ko ang binili sakin ni maya sa kama. May umagaw ng pansin ko,ang flash drive na nakita ko kanina sa daan na nakalagay sa tokador.

Pinagmasdan kong maigi ang flash drive at iniisip kong ano ang laman nito?

Tila may nag udyok sakin na tingnan ko ang laman ng flash drive.

Napagdesisyunan kong tingnan kong ano ang laman nito,kinuha ko ang flash drive sa tokador at kinuha ko rin ang laptop ko sa bag at pumwesto sa kama. Binuksan ko ang aking laptop at sinaksak ko ang flash drive.

Naramdaman ko ang lamig ng hangin sa kwarto, napayakap ako sa sarili.

Nagulat ako ng biglang na blackout ang laptop ko. Nag alala ako dahil baka may virus ang flash drive na napulot ko.

“shit, bat nablack out, baka may virus ito..shit..shit..shit..”napamura ako ng di oras dahil nag alala ako dahil baka masira ang laptop ko dahil sa virus nito. Bakit ba kasi,ang curiosity ng tao ay yan ang magpapahamak sayo. Nakakainis, nagsisisi ako Kung bakit sinaksak ko pa tong letseng flash drive dito eh, tingnan mo.

Napahinga ako ng maluwag ng biglang na open ang laptop ko pero video ang nakalabas.

Sa video (sepia effect)

 

isang estudyanteng babae ang nakaupo sa silya,nakatali at sumisigaw, humihingi ng tulong. Ang ilaw na nagpatay sindi sa loob ng kwartong kinasasadlakan ng babae.

 

pakawalan nyo akooo…tulonggggggggg..tulongggggg”sigaw ng estudyanteng babae, nagpupumiglas at pinilit na makawala sa tali.

 

Maririnig mo sa video ang tawanan at galak ng mga tao.

Biglang napuno ng usok ang buong kwarto.

 

Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ng babae..

 

Flash DriveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon