13

893 10 0
                                    

First day! Woooh! Compared last year, mas excited ako ngayon. Hehe. Syempre ha-huntingin ko si Jam! Nasasabik nakong makita siya! Tsaka syempre, new classmates na rin siguro, new adviser and new experiences to have! Sabi din kasi ng iba, third year ng HS and pinaka masaya.

Nasa service ako ngayon. Sabi ni Mama magservice ako hanggang hindi pa tapos ang tag-ulan.

“Nabalitaan ko, sa first section ngayon, 30 students nalang.” Sabi nung servicemate ko na si Kuya Pi. Kinabahan naman ako! Paano kung totoo ‘yun? Edi bawas nanaman mga kaklase ko. Feel ko naman kasi 1st pa din ako dahil nga pasok naman akong top 15 last school-year. Yihhh ayokong konti lang kami.

Katigil ng service sa gate ng school, nagmadali naman akong pumunta sa may bulletin board para i-check ang section at classmates ko.

Maniacup…

Mercado, Samantha

 

Yehey! Tama nga ako sa section na ‘yun tsaka hindi naman kami 30 lang. 41 kami. Yehey ulit!

Nagpunta muna ako sa room namin at sa old building ‘to. Alam niyo pa ‘yung room ni Cam noon? Sa second floor ‘to. ‘Dun kami, hiwalay sa lahat ng third year students ‘to eh.

“Uy! Classmates nanaman tayo!” Bati ko kay Mark nung makita ko siya. Mula Grade 5 kasi kaklase ko ‘to! Nagkuwentuhan muna kami ng mga kaklase kong dumarating pa. Maaga kasi ako nakarating. Nakita rin ako ng iba pang students at sabi nila pumayat ako. Yehey!!!!

“Tol!!!” Sigaw ni Lienne. Syempre classmate ko pa rin siya, inseparable na yata kami. Hahaha. Pati si Liz classmate namin. Pinag-usapan namin ‘yung mga classmates namin noon na nalipat ngayon. Nakakalungkot rin na hindi na kami kumpleto, pero sabi ko nga, makaka-adjust din lahat niyan.

“Pangit, san ka na!? Tagal mo!” Hihi, magta-time na kasi, as usual late siya!

*BEEP! 1 new message:

Excited!? Malapit na! Sikip ng uniform ko!”  Nako naman, kanina pa siya gising pero malapit pa lang. Ang dami naman yatang ritwal sa umaga nito!

Dahil nga GG akong makita siya..

“Tol! Baba muna ‘ko ‘no, abangan ko si Jam.” Pababa nako ng stairs non na katabi lang ng room namin.

“Sige tol! Balitaan moko!” Sigawan lang talaga kami mag-usap!? Hahaha. Nako.

Pagbaba ko, nakita ko ‘yung mga taong paparating at excited makita ang mga kaibigan nila. May mga nakatambay pa sa mga corridor para magkuwentuhan. Napangiti naman ako, ang saya ng atmosphere eh.

Fighting For Her (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon