18

762 10 0
                                    

******

Hay! August na nga ngayon. Matapos ‘yung surprise ko sa kanya, mas naging close pa kami ni Jam. Malapit na naman birthday niya! August 18 ho kasi ang kaarawan niya. Ngayon, Friday na naman at maaga kaming nadismiss pero hindi naman half day, whew.

“Tol!” Tawag sa akin ni Lienne nung nadismiss na kami. Nag aayos na siya ng mga gamit.

Pinatay ko na ‘yung aircon, ilaw at electric fans, “Yeah?”

“Mall tayo nila Pam no?” Aya niya.

Narinig naman agad nila Pam at pumayag na. Ano pa bang magagawa ko? Hehehe.

“’Yown! Tara na!” Nung sigurado naman kaming okay na lahat sa room, dumiretso na kami sa terminal ng tricycle.

Ako, si Lienne, Liz, Aki at Pam ang magkakasama at.. Naka isang tricycle lang kami.

“Tol, ‘yung paa mo!” Sigaw ko kay Lienne, paano ba naman, sinolo ‘yung parang foot rest. Hahaha pareho kaming nasa likod eh, ‘yung tatlo nagsiksikan na din sa loob.

Tumawa naman kaming lahat dahil hirap na hirap na kami at pagbaba, diretso na kaming pumasok sa mall.

Wala naman kaming gagawin talaga dito at eto kakain lang kami.

“Hi Jam! Nasa SM kami ngayon. What ginagawa mo?” Text ko sa kanya bago ako kumain.

Habang hinihintay siyang magreply, nagkuwentuhan muna kaming magbabarkada. Oo, isa na nga kaming buong barkdada ngayon- ako, si Lienne, Liz, Pam at Aki. Alam niyo ano pangalan ng grupo namin? GIRLS. ‘Yun lang. Hahaha. Kasi naman no, nung sigurado na kaming nagkabuo, usong uso ang kantang Who run the world ni Beyonce. Sa tuwing may magkakanta ‘non, siguradong isisigaw namin ang “Girls!” Kaya naman na-stuck na rin sa’min ‘yon. Medyo nakakalito lang nga rin ang group name namin, pero okay lang, masaya naman.

*FLASHBACK*

 

Half day lang kami ngayon dahil may meeting raw ang teachers mamaya. Katatapos lang ng recess time at ako, nag-bibihis at nag-aayos dahil may Declamation kami niyan at magpeperform na ako.

Fighting For Her (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon