4

2K 30 0
                                    

******

Hindi ko na kaya. Masyado nang nagiging close si Trish at Cam. Kahit magkasama kami ni Cam, katext niya siya o lagi niyang binabanggit. Hindi na din kami ganoon ka-close ni Trish dahil nakakailang na talaga. Ako? Nahihirapan na rin ako sa sitwasyon na ganito at parang nahuhulog na ako kay Jam.

Bandang patapos na ang September nito at napagdesisyonan ko na ding tapusin na ang relasyon namin ni Cam. Hindi ulit ako sumabay ng service at ihahatid ko si Cam sa kanila at sasabihin ko na.

Nag-wheeler na lang kami at hindi jeep para kami lang dalawa.

“Cam, ayoko na, nahihirapan na ako.” Sabi ko habang nakatingin lang ng diretso.

“Dahil ba kay Jam?” Tanong niya, hindi naman siya nabigla dahil nga mula noong Intrams, madalas na kaming hindi okay.

Napatigil ako, “Medyo, pati na rin si Trish pati na ang pamilya ko, nahihirapan ako.”

Totoo ‘yun, kahit alam naman ng pamilya ko ang relasyon namin ni Cam, hindi naman talaga nila ito tanggap. Sa totoo kasi niyan, noong Grade 6 ako sa ibang school, ganito din ang nangyari, nagkagusto ako sa babae at nagustohan niya ako, kaya nga nilipat ako dahil all-girls ‘yung High School doon.

Hindi na siya sumagot at hinawakan ko nalang ‘yung kamay niya, baka kasi huli na rin ‘to. Yung kamay niya, hindi ganoon kalambot, medyo magaspang pero yun yung gusto ko. Feeling ko safe na safe ako pag siya yung kasama ko. Mas girly kasi ako sa kanya. Nang makababa na kami malapit sa kanila, niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi.

Kauwi ko, hindi na ako nagdinner. Iyak lang ako ng iyak. Ayaw ko namang sukuan si Cam pero pareho na lang kaming nahihirapan at hindi sigurado sa nararamdaman. Aaminin ko, nauna akong nagkagusto sa iba pero dahil ako si SAM, ipiniglalaban ko kahit sinong tao ang minamahal ko. Sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko, pati na rin kay Jam, si Cam lang ang pinaglalaban ko noon.

*BEEP! 1 new message:

“Wala na talaga? Sige, magpapalit na ako ng number. Salamat sa lahat. I love you. :-*”

 

Text ‘yun ni Cam. Hindi ko na alam ‘yung sasabihin ko. Nahihiya ako dahil pakiramdam ko kulang ‘yung paglaban na ginawa ko.

******

Nasa school ako nito at kasama ko sina Lienne at Liz sa faculty room, lagi kasi kaming inuutusan dahil katiwa-tiwala naman kami. Hahahaha. Ilang araw palang ang lumipas mula nung naghiwalay kami ni Cam. Hindi na kami magkatext at nag-uusap, madalang ko lang siyang makita at nag-iiwasan pa. Pati barkada niya hindi ko na masyadong nakakausap dahil nga nahihiya ako.

“Tol,” Sabi ni Lienne, tawagan kasi namin yan ngayon.

“Ano?” Tanong ko naman. Namimitin e? Pwede namang tuloy-tuloy diba.

Fighting For Her (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon